“WHAT do you call this body of water?” magiliw na tanong ni Marc kay Riza nang humantong sila sa isang sapa. Pangatlong araw na iyon ng kanilang pamamasyal. At nakikita naman ni Riza na nag-e-enjoy talaga ang binata. “Sapa. Doon tayo sa kabilang banda.” Nagpatiuna na siyang lumakad sa spot na gusto niyang puntahan. “There. Maupo ka riyan sa may bato. Ilublob mo ang mga paa mo. Ganito.” Tinanggal ni Riza ang suot na sandalyas. Naupo siya at inilublob ang kanyang mga paa sa tubig. “Oh, okay.” Mabilis na inililis ni Marc ang suot na pantalon. Tinanggal din ang suot na tsinelas. Subalit halos mailang si Riza nang tumabi sa kanya ang binata. Napansin niya na panay pa rin ang dikit sa kanya. Marc was doing things na sa palagay niya ay napaka-sweet. At apektado siya. Hindi maipagsasawalang-b

