UMUNGOL si Riza tanda ng pagbabalik ng malay niya. Mabilis siyang napabalikwas nang maalala na may nagtakip sa ilong niya. Hanggang sa malakas na lang siyang napasinghap nang mapagtanto kung nasaan siya. She looked at herself. “Ano’ng—” Halos lumuwa ang mga mata niya sa panlalaki niyon nang makita ang kanyang kahubdan. Binalot ng kakaibang lamig ang kanyang buong katawan ,lalo na nang maramdaman ang pananakit niyon. “Diyos ko…” nanginginig ang kalamnan na wika ni Riza. Lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung ano ang nangyari. Agad niyang natutop ang kanyang bibig. Subalit hindi nakatulong iyon para hindi tumakas ang hikbi sa kanyang lalamunan habang tila dam na nabuksan ang kanyang mga mata. Tuloy-tuloy na umagos ang kanyang mga luha. May nagpaamoy sa kanya ng masangsan

