“ANO’NG gagawin ko ngayon, Kaycee?” desperadong tanong ni Riza. Kailangan niya ng makakausap at mapagsasabihan ng mga nangyari kaya tinawagan niya ang kaibigan at sinabi ang lahat-lahat. Well, hindi pala lahat dahil tinanggal niya ang parteng may nangyari sa kanila ni Marc kaninang umaga. “Kaycee? Nandiyan ka pa ba?” tanong niya nang lumipas ang ilang sandali at hindi ito sumagot. “Diyos ko, Riza, para akong hihimatayin sa ikinuwento mo.” Hindi man niya nakikita, alam niyang nasa mukha ni Kaycee ang pagkamangha. “Kunsabagay, ikaw nga hinimatay talaga, eh. Grabe lang talaga ang tadhana kung makapaglaro, ano?” “So ano’ng masasabi mo? Bumabalik sa buhay ko si Marc, Kaycee.” Sinulyapan ni Riza ang dalampasigan kung saan naroon sina Victoria at Marc. They were building a sandcastle. Mataginti

