EPISODE 5: Hired

615 Words
Nakaupo sa upuan sa harap ng table ni Ms. Pau si Abi. “Thank you so much po talaga.” pagpapasalamat ni Abi kay Ms. Pau. Tumango at ngumiti lang si Ms. Pau sakanya. “You can start by tomorrow. And tomorrow nalang kita ipapakilala sa Sales Department Head. Okay?” sabi ni Ms. Pau. “Okay po. Thank you po talaga.” masayang sabi pa ni Abi. Ngumiti nalang si Ms. Pau at umalis na si Abi. -------------------- Habang nasa kwarto si Abi, nag ring ang phone niya at tumatawag ang kuya niya. “Hello kuyaaaaa.” masayang bungad ni Abi sa kuya niya. [Hmm...so happy haaaa. I can feel that there's good news.] “Ofcourse. A very very very very very good news.” [Wow. So what's that very very good news mo?] “Natanggap ako sa IBE Publishing Co. kuyaaaaaa. Gosh. I'm so happy. As in.” [Wow namannnnn. Diba? I already told you. Kaya mo yan.] “Yes nga kuya. Hindi ko in-expect na makakapasok ako sa isang napakasikat na kumpanya. I know I lack a lot of skills pero still tinanggap ako. Kaya pagbubutihin ko talaga sa training para hindi sila ma-disappoint sakin. Lalo na ang big boss doon. I wonder who's that big boss.” [Yan tama yan. Make us proud and also your co-workers and trainer. And about that big boss, actually I know him.] “Really kuya? Sino siya?” [Siyempre secret yun princess. Let's wait for him to reveal himself.] “Aww...okay kuya. Nga pala, I just realized, hindi ko alam saan ka nagwowork kuya. Para pag may time ako bisitahin kita. Miss na kita makita.” [That's also a secret princess. Pero sige soon. Ipapaalam ko din sayo. But not now.] “But---" Pinutol ng kuya niya ang sinasabi niya. [No more buts princess. Okay? Sige na. I'll hang up na. And prepare yourself for your training. Kaya mo yan Abi.] Bumuntong hininga nalang si Abi dahil alam niyang hindi niya mapipilit ang kuya niya magsabi kung ayaw talaga nito. “Thank you kuyaaaaa. Gagalingan ko talaga. Promise.” [Okay. Good luck! Sige na.] “Sige kuyaaaa.” At ibinaba na nila ang phone. “ABIIII!” Nabigla si Abi sa biglang pagpasok ni Giz sa kwarto niya at pasigaw pa siyang tinawag. “Oh Giz. Anmeron?” Agad itong lumapit sakanya. “Anong anmeron ka diyan!” tumabi siya kay Abi umupo sa kama nito. “Kumusta yung sa IBE?” Napalaki naman ang ngiti ni Abi at napataas taas-baba ng kilay. Nanlaki naman ang mata ni Giz at napanganga ng ma-gets ang ibig sabihin ni Abi. “So this means...tanggap ka na?” pag co-confirm ni Giz sa iniisip niya. Tumango si Abi kaya napalaki ang ngiti ni Giz at niyakap niya si Abi ng mahigpit. “Goshhhh. I'm so happy for youuuu.” Bumitaw na sila sa yakap. “Hindi nga obvious na happy ka eh.” panloloko ni Abi kay Giz. “Edi wow. Pero...gosh girllll. Buti natanggap kaaaaa. Goodluckkkk.” “Oo nga eh. Kahit ako hindi makapaniwala eh.” “Siguro nakita nila yung potential mo. And may training naman kaya keri mo yan. Basta galingan mo.” “Oo naman. Aayusin ko talaga. Thank you sa pag encourage sakin Giz.” “No worries. I know you need work and sumakto na kakakita ko palang nun sa hiring nila. So maybe that's really for you diba? Malay mo, may big surprise sayo once you enter that company.” “Sana naman good big surprises yun.” “Let's just hope for the best.” Tumango nalang si Abi bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Giz. ------------------------------------------------------------------EPISODE 5: HIRED------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD