Chapter Ten

1717 Words
Napa buntong hininga ako sa kawalan. I saw tizer's serious face while looking at the window, mukhang malalim ang iniisip nya. Siguro dahil ito sa nangyari kanina. "Tizer... Tell me more about your family, hindi ko alam na may kapatid ka pala?" Tanong ko. Hindi ko naman kasi ito naiitanong sa kanya noon, malay ko ba na may kapatid sya, ang akala ko ay unicahijo itong si tizer. "Well... Tatlo kaming magkapatid. Ang isa nasa japan, at ang isa naman ay nasa america wich is si ate veronica" paliwanag nya. ngayon ko lang nalaman na tatlo pala sila. "Ang papa ko naman ay may ibang babae nang kinakasama" bumuntong hininga sya. Tinapik ko ang balikat nya para komportahin sya. "S-sorry," Naawa ako bigla kay tizer. Kahit papano ma'y malungkot din pala itong pinag dadaanan si tizer. Haay! Dapat kinilala ko pa sya ng lubosan bago ko sya sinagot eh! "Okay lang..." ngumiti sya sakin, Pero kita parin ang bakas na lungkot sa mga mata nya. "Wag na nga nating pag usapan yan. Gawa muna tayo ng baby" pang iba nya ng usapan. Itinulak nya ako sa kama at nanlake ang mata ko ng pumatong sya sakin. Ramdam ko ang bawat pag hinga nya. He was freak'n hot! "Tizer!" Sinapak ko ang braso nya ngunit tumawa lang ito. "I love you" malambing nyang sabi at hinalikan ang aking pisngi, namula naman ako. Itinulak ko sya papalayo sakin at tumayo. "Haayyys, ikaw talaga tizer puro ka kalokohan, uwi na ako" I was about to leave when suddenly tizer huged me. Eto na naman si tizer, alam nya talaga ang kahinaan kom "Teka lang naman" inamoy nya talaga ang leeg ko, nanaka pangilabot at nakakakiliti. "Tizer! Ano kaba! Tumigil ka nga" Sinubukan ko syang itulak papalayo ngunit tumawa lang sya, sinamaan ko sya ng tingin. "ang clingy mo na masyado!" tumawa ako. Ngumuso syang tumingin sakin. "Ba't ang bango mo liam. Nakaka adik" hindi pa sya nakontento at inamoy pa talaga ang leeg ko, pati narin ang likuran ko. "Haay! Tama na!" tumawa ako dahil sa kiliti. "Haaay" umiba ang kanyang ekspresyon at biglang sumeryoso si tizer. Iba rin ang lalakeng 'to, ang moody nya. "sana palagi nalang tayong ganito" he said and kiss my fore head. "yung palagi tayong masaya..." and kiss my nose. "At habang buhay tayong magkasama..." and finally he kiss my lips. Napapikit ako sa halik nya. I can tell he is really a good kisser, kahit ilang beses na kaming naghahalikan ay hindi ako nagsasawa. Inlove na talaga ako! *ring* Tinulak ko sya ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si mama. "H-hello ma?" kabado ako. Siguradong mapapagalitan na naman ako. "Liam? Nasaan kabang bata ka hah? Kagabi pa kita tinatawagan pero ayaw mo namang sumagot! Nako humanda ka talaga pag uwi mo dito, malalagot ka sakin" napa lunok ako. Nagulat ako ng biglang kinuha nintizer ang cellphone ko, sinubukan ko itong agawin ngunit itinaas pa nya ito lalo. "Ah, hello tita" aniya. "Tizer?? Ikaw ba yan?" "yes po tita" sagot nya. "nakoo... Kayong mga bata kayo, nag tatanan pala kayo ng hindi ko alam? Humanda talaga kayo!" pananakot ni mama. Tumawa si tizer habang ako naman ay natataranta na. "Pa uwi na po kami tita, ang totoo po nyan may pasalubong ako sa'yo" sabi ni tizer. Nag taka naman ako sa sinabi nya. Ano ba'tong naiisip ni tizer? Hindi uubra yan, kilala ko si mommy. "Ah ganon ba? Ah sige mabuti naman at maipaghanda ko kayo ng makakain. Sige ingat kayo bye..." at pinutol ang linya. Huminga ako ng malalim. Inabot ni tizer sakin ang cellphone ko na naka ngiti. Nalaglag ang panga ko. Haaay! Si mama talaga jusko! Nakakahiya. "let's go!" walang pag alin langan nya akong hinila palabas. Sumakay kami ng elevator. May kasama kaming dalawang babae na mukhang kinikilig ng makita kami ni tizer. Bigla ko namng narealize na nag ho-holding hands pala kami. "Mag boyfriend kayo?" tanong ng babae sakin. "Nako hindi hindi ano---" "Yes mag boyfriend kami" putol ni tizer sa sinabi ko. Kinilig naman ang dalawa. Napa iling nalang ako. Pag labas namin ay nag tungo agad kami sa kotse ni tizer. Makintab at maganda ito, kulay red. Iba ang style neto, basta hindi ko alam ang tawag neto. Mas maganda pa ito keysa sa dinala nya sa school. Haaay! Iba talaga pag anak mayaman. Pumasok ako at nag fe-feeling mayaman. Ang sosyal! Bongga!! Ilang minuto ang nakalipas ay huminto kami tapat sa mall, napa ngiwi ako. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko kay tizer na tumitingin sa labas. "eh ano pa. Bibilhan ng regalo si tita" lumabas sya at lumabas narin ako. "tizer, hindi mo na kailangang gawin yon" sinubukan ko syang pigipan pero dahil matigas ang ulo ay hindi sya nakinig sa mga banta ko. Haay ano bayan! Nandito kami sa may mga alahas. May naka sulat na Qin Jewels Shop, sosyal ang lugar na'to. Literal ako namangha dahil sa ganda ng mga alahas. May mga golden bracelet, necklace, rings at marami pang iba. Sa teleserye ko lang ito nakikita, haaay ang sarap hawakan! "How about this liam?" itinuro ni tizer ang isang earings na worth 15,000. WAIT WHAT??? "Jusko ang mahal" pinaypay ko ang aking kamay, pinag pawisan ako sa subrang mahal ng earings na'yan. Mabibili lang ng 65 pesos ang mga earings samin dun sa palengke eh. "Don't worry, ako na ang bahala" napa face palm ako sa sinabi ni tizer. "Wag nantizer! Damit nalang... Masyadong mahal eh" pinigilan ko sya ngunit huli na dahil ibinigay na nya ang credit card sa cashier. Tiningnan nya ako ng nakakalokong looks. "Ugh! Bahala ka na nga tizer! Ang tigas ng ulo mo!" hinampas ko ang matigas nyang balikat ngunit tumawa lang ito. Siguradong matutuwa si aleng mercelinda Regardo neto. Hinintay ko lang syang matapos mag bayad. May isang ring na naka agaw ng pansin sakin. It was simple pero maganda ito, it's a diamond ring worth 50,000???? Napa nganga ako. Bigla akong nawalan ng interes sa singsing. Mas mahal pa ata sa buhay ko ang singsing na'to. Naka buntot lang ako kay tizer. Para akong lasing na nag lalakad. Nakaka tamad na mag lakad haaay! Ang boring pala mag mall no? Kanina pa kami ikot ng ikot dito. "liam dito" hinila nya ako at nag tungo sa tindahan na may maraming damit. Muntikan na akong madapa sa lakas ng pagkakahila nya. Kumuha sya ng kulay red na Tshirt na may naka sulat na love at inabot sakin. "subukan mo nga liam" huminga ako ng malalim at kinuha ito. "Pati narin to" hinagis nya ang isang short na kulay white, may haba ito hanggang tuhod. Kinaladkad nya ako papasok ng fitting room and guess what? Sabay kaming nag bihis. Oo. "Wow! Bagay na bagay sa'yo liam" yayakapin nya sana ako pero bago pa sya maka lapit ay itinulak ko sya papalayo. Kumunot ang noo nya kaya tumawa ako. "Ang damot naman neto! Hug lang naman eh" lumapit uli sya pero itinutulak ko parin ito papalayo. Nang mahuli nya ako ay agad nya akong niyakap, tawa lang ako ng tawa. "Ah... Mga sir, tapos na po kayo?" tinulak ko palayo si tizer dahil sa gulat. Inayos ko ang aking sarili. "Uhm, oo palabas na po kami" *** Pag dating namin ng bahay ay ang unang sumalubong samin ay si mama, naka ngiti sya. Wow! Mukhang maganda ang mood ngayon ni mama ah. Lumapit kami sa kanya at nag mano. Pagkatapos namin mag mano sa kanya ay pumasok na kami. Nanlake ang mata ko ng makita si papa na nanonood ng TV. PATAY! Oo nga pala nakalimutan kong uuwi pala si papa ngayon. "Ah tito, mano po" lumapit si tizer kay papa at nag mano, nag taka naman si papa. Lumingon sya sakin. "Oh, liam. Nandito kana pala" nginitian nya ako at nginitian ko rin sya pabalik. Lumapit ako at nag mano. "Di mo naman sinabi sa'kin na may bisita ka pala" tumingin sya kay tizer. "anong pangalan mo hijo?" naka ngiting tanong ni papa sa kanya. "Ah, Tizer villafuente po" sagot ni tizer. Natigilan si papa. "May kakilala akong villafuente noon eh... Sino nga ba'yon..." "Ah, tizer liam, hali na kayo. Handa na ang pagkain" putol ni mama. pagkarinig ko sa sinabi ni mama ay tumayo ako at nag tungo papuntang kusina. "Ah, tita para pala ito sa'yo" inabot ni tizer ang isang paper bag. Tuwang tuwa naman si aleng mercelinda, umiling ako. "AYYY! Salamat tizer ah! Ang ganda!" tumalon talon si mama na para bang bata. Napa facepalm ako sa hiya. Si mama talaga oh... "Walang ano man tita" sabi ni tizer at kumain na. Siguro hindi ko muna sasabihin sa kanila na boyfriend ko na itong si tizer. I know my dad well, ang gusto nya sa'kin ay ang mag asawa ako ng babae. Siguradong hindi sya papayag if he find out na boyfriend ko si tizer. *** SA SCHOOL Matapos ang isang linggo ay pasukan na naman. Nakakatamad talagang mag aral! Haaay. Pero wala tayong choice, ganyang talaga ang buhay ng isang estodyante. Sabay kaming nag lakad ni tizer patungong room namin. At gaya ng inaasahan ko ay marami na naman ang nag bubulungan. Maraming mata ang nakatitig sakin, yun bang pinapatay na ako sa kanilang mga isipan. Aba wala akong pakealam sa kanila, mamatay sila sa kakaisip ng kung ano ano sakin. Pag pasok namin ng room ay maraming bumati sakin. Nag taka rin ako kung bakit. Karamihan sa mga kaklase ko ay naka ngiti habang sinusundan nila ako ng tingin. Umupo ako sa upoan ko at ganon din si tizer. "Liam totoo ba?" bulong ng bakla naming kaklase na si christoper. Kilig na kilig yong reaksyon nya. "Ang alin?" "Boyfriend mo na si tizer?" bulong nya. nanlake ang mata ko sa sinabi nya. What? Pa'no nya nalaman? Kahapon lang kaya naging kami ni tizer. "H-hah? Hindi! Hindi no" tiningnan ko si tizer na naka ngiti sakin. "Ayiieee, deny kapa, eh alam na ng buong campus na'to na officially kayo na" nanlake ang mata ko sa sinabi nya.WHAT!!?? "okay class, prepare your self. May surprize quiz ako ngayon" biglang dumating si maam at tumahimik naman ang lahat. Patay na'to, di pa naman ako nakapag study sa loob ng dalawang araw. This is all tizer's fault! Ugh! Kung di nya langa sana ako nilandi eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD