Pababa palang ako ng jeep ay nakita ko agad ang nakaka loko at nakakainis na pagmumukha ni tizer villafuente, isa lang naman yung plano nya... ang inisin ako buong araw ko.
"Good morning babe, naka tulog kaba kagabi?" Tumatawa sya habang sinasabi ito. di ko nalang sya pinansin at nag patuloy nalang sa pag lalakad. "Hey! pansinin mo naman ako babe!" Gusto ko syang sapakin pero mahirap na baka gumante, ayaw kung masira ang maganda kung mukha.
"Mr. Villafuente, stop calling me babe, hindi kita jowa okay?" plastic akong ngumiti sa kanya at tinarayan.
"Aysus, gusto mo naman talagang tawagin kitang babe eh" Di ko na sya nilingon, mag tatalo lang kami pag ginawa ko yun.
nasanay narin ako sa ganito, araw araw nya akong iniinis sa di malaman na dahilan, noong nakaraang araw ay ganito na nya ako tratuhin pero hindi ko ito seneryoso dahil nga marami akong naririnig na balita na marami naraw naging jowa itong si tizer, maski bakla pinapatulan nya...
Pumasok na ako ng room at di pinansin ang mga tsismosa kong mga classmate na walang ibang ginagawa kundi pakialaman ang bubay ko.
"Gwapo sana"
"Shh! baka barinig ka gaga"
Eww yang mga pagmumukha nyo! at isa pa hindi ako bakla noh! bakla lang ang tono ng pananalita ko pero i'm still attracted to girls! hindi ko na nga alam kung ano ang tawag sa kasarian kong 'to, basta nag kakagusto ako ng babae at lalake.
"Babe, saan mo gustong kumain mamaya?" napalingon ako sa katabi ko. naka ngiti sya na para bang nag papa cute, para syang baliw na unggoy.
"Wala, at wala akong balak na kumain kasama ka" mas lalo ko pa syang tinarayan pero tumawa lang ito. hubby na talaga nyang tumawa kahit hindi naman nakakatawa.
"Ang arte neto, ikaw na nga tong in-offeran ng pinaka sikat at gwapong lalake sa buong school na'to aayaw kapa?" Sikat Oo, pero gwapo hindi ko nakikita ito sa kanya, di ko nga alam kung bakit ang daming nag kakagusto kay tizer eh ang yabang naman.
"Wag ako ang pagtripan mo tizer villafuente, iba nalang" di na sya nakasagot ng pumasok na ang english teacher namin.
buong klase akong hindi nakapag Concentrate dahil sa pangungulit ni tizer, inis na inis na ako sa kanya na gusto ko na talaga syang batukan, kung may supper powers ako sya talaga ang una kung pupunteryahin.
Umalis na yung teacher namin at lumabas narin ako para bumili ng snacks, at gaya ng inaasahan ko ay naka buntot na naman si tizer sakin,
"Anong gusto mo babe? libre ko" aniya pero inirapan ko lang sya. mataray na kong mataray.
"wala, may pera naman ako" pag dating ko doon sa canteen ay nakita ko sila Shery at dina, pati narin yung bago nilang kaibigan na si Tj.
Sila lang naman ang naging totoong kaibigan ko dito sa paaralang ito, magkaklase kami mula grade 7 to grade 11, at ngayon lang kami nagkahiwalay dahil Stem ako sila naman lumipat naman ng Hums.
"Dina, shery" tawag ko sa pangalan nila na agad rin namang lumingon.
"Oh, Liam dali sabay kana samin" Tumango ako at uupo na sana ng biglang umawat si Tizer.
"Doon nalang tayo pumwesto liam, mas maluwag doon" turo nya sa bakanteng upuan. nang makita nila si Tizer ay kinilig naman ang tatlo.
"Hi tizer" Panglalandi ni Tj kay tizer, pero di ito pinansin, napa simangot tuloy si tj na sumubo ng sandwich.
rinig ko rin ang mga nag tili-ang mga babae sa paligid, pwes kainin nyo yang tizer nayan!
"Dito na ako, kung gusto mo don kanalang" Sabi ko sa kanya pero matigas talaga ang ulo ng mokong na'to, mas matigas pa sa bato.
"Samahan mo na kasi ang boyfriend mo liam" bulong ni dina sakin na tinaasan ko lang ng kilay, gusto ko syang murahan pero isa sa mga rules dito sa school ay bawal mag mura sa loob ng school.
"baka ikaw gusto mong sumama sa kanya" sabi ko kay dina na kinilig naman, ano ba kasing meron sa mokong na'to? maski kaibigan ko ay nagkakagusto sa kanya?
"Oo naman sige ba" Ang landi talaga nitong si dina eh, napa iling nalang ako at tumayo muna para mag order ng makakain.
"Ako na ang mag babayad" Aangal pa sana ako pero inabot na nya yung pera nya sa tendera at umorder ng makakain.
"Ang tigas rin ng ulo mo no!" Kinindatan nya lang ako, galit ako pero masaya at the same time. Makapag pamasahe narin ako mamaya, katamad mag lakad eh, 50 lang kaya ang baon ko.
Inabot nya sakin ang burger at may C2 na kasama, di na ako aangal, libre na eh, sabi pa nga nila 'bawal tumanggi ng grasya' kaya wag nang Pa bebe.
Nahihiya ako tinanggap ang burger pero kalaunan ay kinuha ko narin, ngumiti naman sya.
"Salamat ah" tumango lang sya.
"anything for you babe" Pinanliitan ko sya ng mata, sa maraming tao pa talaga sinabi nakakahiya, mas lalo akong napag tsismisan dito eh. "So pano, dun tayo oh" turo nya sa bakanteng upuan. nag taka naman ako kasi kanina pa walang naka upo dyan eh sa rami ng estudyante ang narito ngayon.
huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga kaibigan kong nag thumbs up sign at nag tawanan, sarap nilang batukan eh, mas lalo nila akong iniinis.
Tahimik lang kaming kumakain, wala naman talaga akong balak na mag salita eh at salamat naman ay hindi rin nag sasalita itong si tizer.
tiningnan ko sya na kanina pa pala naka tingin sakin, kagat lang ako ng kagat sa burger ko habang naka tingin rin sa kanya kasi kanina pa talaga sya naka titig eh, namamanyak na ata.
napahinto ako sapag kain ng biglang lumapit ang kanang kamay nya at pinunasan ang aking labi, nanlake ang mata ko sa ginawa nyang iyon.
"May Dumi eh" paliwanag nya pero di parin ako nakapag salita, taena nakakahiya, pinag titinginan kami ng mga tao jusko.
dali dali akong kumain at pagkatapos ay tumayo na. "Sige ah, mauna na ako?" di pa kasi ubos yung kinakain nya kaya mauna nalang ako, marami pa akong gagawin ngayon.
"Teka wait" tumayo sya at itinapon sa basurahan ang kinain nya, nagulat naman ako sa ginawa nya.
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko sa kanya, sayang yung pagkain.
"Hah? eh busog na ako eh" napakamot sya sa batok nya, sinamaan ko sya ng tingin.
"Alam mo bang ang daming nagugutom sa mga oras na'to tapos tinatapon mo lang yan? kayo talagang mga mayayaman"
"Edi sorry na, di na mauulit" nag pa cute pa sya pero inikutan ko lang ng mata at umalis na.
pagpasok ko sa room ay agad akong kumuha ng libro at nag basa, may activity pa naman kami ngayon.
"Hoy liam, sorry okay? di na talaga mauulit promise" sabi nya sabay cross heart.
"Talagang hindi na 'yun mauulit" di ko sya nilingon at nag basa nalang ako ng libro.
mayamaya pa ay pumasok na ang math teacher namin kaya umayos na kami ng upo, pumasok narin ang iba ko pang mga kaklase.
"So narinig nyo naman siguro kahapon na meron tayo ngayong activity, i hope hinanda nyo ang mga sarili nyo" seryoso lang akong nakikinig habang si tizer naman ay nilalaro yung buntot ng bag ko.
"So dalawa dapat tig dalawa ang sasagot sa activity natin, para narin matulungan natin yung hindi gaano alam kung ano ang gagawin at dapat gawin, so mamili na kayo ng partner at mag sisimula na tayo" tumingin ako sa paligid para mag hanap ng partner, nang mapansin kung nakakita na ang lahat ay napatingin ako sa katabi ko na kanina pa naka ngiti. Malas na buhay naman ohh.
nag simula ng mag distribute ang teacher namin ng sasagutan at nag mabigyan ako ay kinuha ko ito at binasa.
"Let's start?" tanong ni tizer, tumango lang ako, wala man lang nag aya sa kanya na maging parter sya? ang dami kayang nagkakagusto sa kanya dito sa room nato.
tahimik naming sinasagutan ang mga given question at madali lang naman namin itong naintindihan, ngayon ko lang ata nakita si tizer na ganito ka seryoso, good for him naman, gwapo pala sya pag seryoso. nang makita nyang naka tingin rin ako sa mukha nya ay nagulat ako, nakakahiya jusko help! namumula ata ako.
"Alam ko naman gwapo ako pero kailangan muna natin tong sagutan" pinanliitan ko sya ng mata.
"Sinabi ko bang gwapo ka? kapal mo rin" medyo napalakas ata yong boses ko kaya narinig ng teacher, napa yuko tuloy ako sa hiya. grabe na yung hiya ko sa buong araw na'to.
"Mr. Regardo and mr. villafuente, pass your works" naka hinga ako ng maluwag dahil mabilis itong natapos namin, kahit papano ay nakatulong rin itong si tizer.
ibinigay ko na sa teacher yung sagot namin at bumalik sa upuan.
"Next time mahuli ko pa ulit kayo na nag uusap during my class, lumabas nalang kayo, naiistorbo nyo yung iba" napayuko ako sa hiya.
"Opo sir" Sagot namin ni tizer at tumahimik na.
matapos ang isang oras naming klase ay nag paalam na si teacher, lumabas narin ang lahat para makapag lunch.
kinuha ko yung cellphone ko at nag chat kay dina at shery na sasama akong kumain sa kanila, pumayag naman ito.
"Tara, lunch tayo babe" sabi nya na naka ngiti, may halong pang iinis.
"Diba may volleyball pa kayo?" paala ko sa kanya, tumango lang sya. "At please parang awa mo na, tigilan mona ang kakatawag sakin babe" dagdag ko, supper annoying na kasi eh.
"Eh gusto ko nga at wala kanang magagawa doon" sabi nya kaya bumontong hininga nalang ako at di na nag salita.
"Sigi babe, kitakits nalang mamaya mwwahh!" nanlake ang mata sa ginawa nyang pag kiss sa pisngi ko, nang may nahawakan akong bagay sa mesa ay ibinato ko ito sa kanya pero mabilis itong naka ilag at tumakbo.
"Kainis!" hinawakan ko ang aking pisngi, napa ngiti ako, shet di to maari. Sinampal ko yung mukha ko sa mga naiisip ko, taena, bakit parang kinikilig ako? no hindi to maari no!!!
"Hoy baliw! bakit mo sinasampal yung mukha mo?" napatingin ako sa nag sasalita at nakita sina shery at dina, pati narin si Tj na natawa.
"Ahh, wala may lamok kase Heheh, so let's go!" palusot ko at nag simula nang mag lakad.
***