Chapter Four

1704 Words
Naka tunganga ako buong klase at ni isa wala akong naintindihan sa mga disscus ng teacher namin, Haaay! bad influence talaga yan si tizer kainis sya. Nilagawan nya ako pero di ko sya sinagot, syempre dahil alam kong hindi sya seryoso, pero meron rin sa side ko na gusto ko syang sagutin pero mas nangibabaw ang takot ko, ayaw kong masaktan, at lalong ayaw kong ma husgahan ng maraming tao, lalo pa't sa mata ng mga tao ay masama ito. Nag dismissal na kaya lumabas na ako, di ko rin nakita si tizer, siguro dahil ito sa sinabi ko sa kanya kanina, nagiguilty tuloy ako. siguradong galit sya sakin. Nang makarating ako ng canteen ay nakita ko sila shery at dina kaya agad ko silang nilapitan, agad naman nila akong napansin kaya nag wave ang mga ito. "Ba't naka simangot ka? at nasaan si oppa?" tumingin pa talaga sila sa likod ko, inikutan ko sila ng mata. umopo muna ako bago nag salita. "Hindi ko alam, at mabuti narin at hindi na nya ako kinukulit" sabi ko. "Eh bakit naka busangot ka dyan? namimiss mo sya?" tumatawa si shery habang sinasabi ito, sinamaan ko sya ng tingin. "Wala, ano... ahh stress lang sa kakastudy ko" pag aalinlangan kong sabi, napa lunok narin ako sa mga tanong nila, gusto kong sabihin sa kanila ang lahat ng nangyari pero alam naman natin kung gaano ka daldal ang mga bunganga ng mga babaeng ito kaya di ko nalang i-oopen yun. "Sus, kunwari kapa dyan liam! eh kilala kana namin!" sabi ni dina na seryosong naka tingin sakin kaya umiling ako. Tumayo ako para bumili nalang ng makakain ng mahagip sa mata ko si tizer na kanina pa naka tingin sakin, gumaan bigla ang loob ko kaya di ko mapigilang ngiti-an sya. Na shock ako ng hindi sya ngumiti pabalik, napa yuko ako sa hiya, ugh! never mind. Ganito talaga magalit si tizer, hindi namamansin. kumain nalang kami ng tahimik habang nag uusap sa mga kanya kanyang buhay namin, si dina daw may palaging naka tingin sa kanya kaya ayon todo tili, masyadong feelingera itong si dina kaya siguarado akong nag sisinungaling lang sya. Nang matapos na kaming kumain ay nag paalam na kami sa isa't isa dahil limang minuto nalang at malelate na ako sa math subject. pag pasok ko sa room ay nandoon na si tizer, masaya sya habang nakipag kwentohan sa mga babae, nakaramdam ako ng galit at inis, nanggigigil ako sa mga babae! ang landi nila! at ito namang si tizer ay hinayaan nya talaga ang mga babaeng yan? nang makita ako ni tizer ay tumahimik sya at bumalik sa pagiging seryoso, tumaas ang kilay ko, sumusubra na'tong si tizer! nakakainis na sya! Dumating narin ang teacher kaya tumahimik na ang lahat. matapos ang dalawang subjects ay lunch break narin. niligpit ko muna ang gamit ko at tumayo, napatingin ako kay tizer na nag mamadaling umalis kaya naman nag taka ako. nag chat ako kina dina na sabay akong kumain sa kanila at yun pumayag nama sila. pag dating ko sa area namin ay si tj palang ang nakita ko kaya nilapitan ko sya. busy itong naka tingin sa paligid. "Hi Tj! nasaan sina dina at shery?" bungad ko sa kanya, nagulat naman sya sa biglaan kong pag sulpot. "Nakakagulat kanaman teh!" umasta pa talaga na parang shock na shock, sarap rin hampasin ng dos por dos na kahoy itong si Tj eh, kala mo nakakita ng multo? sa gwapo kong to? "Grabe ka naman maka react!" umopo ako ng indian sit at kinuha ang baon ko. "Sina shery at dina nasaan?" tanong ko ulit. "Ah, oo, papunta na sila" sabi nya at nag salamin, nag lagay pa talaga ng liptint at nag eyeliner. "Sino ba kasing pinapagandahan mo?" tanong ko bigla. "Marami, kaya wag kanang mag tanong, nakalimutan ko ang mga pangalan nila eh, si jeofry, aldren, uhm si arnel, basta marami pang iba" Tumawa ako sa sinabi nya, iba rin tong baklang to no? ubod ng landi. maya maya ay dumating narin sila shery at dina, agad naman silang kumuha ng kanikanilang mga baon. trip lang namin mag baon, pang tipid ba. Si shery lang ang mayaman samin pero di nya kami itinuri na parang iba sa kanya, mabait at maganda si shery, para na nga kaming mag kakapatid eh, di gaya ng iba dyan... bigla naman dumaan si stacy kasama ang mga matataray nyang kaibigan, ang kakapal ng lips stick, mas makapal pa ata ito kay TJ Napa tingin sya samin at parang nangdidiri pa ito, para syang nakakita ng tae. inikutan nya kami ng mata kaya kumulo yung dugo ko, sarap puruhan sa mukha ng isang yun. "Problema don?" Tanong ni dina na ikina iling lang ni shery. "Hubby nya ata yun?" natatawang sabi ni Tj kaya nag tawanan nalang kami. sinundan ko ng tingin si stacy at nanlake ang mata ko ng papalapit ito kay tizer, ngayon ko lang napansing nag lalaro si tizer ng volleball dito. nang makalapit ito ay agad nyang hinalikan si tizer, muntihan tuloy akong masuka, niligpit ko ang aking pagkain at tumayo. "Oh? san ka pupunta?" tanong ni shery. "Uh... pupunta ako library, gusto nyong sumama?" palusot ko. "Ah ganon? segi sasama ako" sabi ni dina, niligpit nila ang mga gamit nila, mukhang sasama rin ang dalawa, wala pa naman akong planong pumunta ng library pero dahil sa malamding stacy at panget na si tizer ay napilitan akong mag tungo nalang muna sa library, mamatay sila sa kakalandi eh! ugh! kainis! pag pasok namin ng library nanlake ang mata ko nang unang bumungad sakin si tizer, Seryoso lang syang nag basa at mukhang hindi nya kami napansin kaya umupo na kami sa may bakanteng seats. Nag taka naman ako, ang bilis ata ni tizer naka punta dito? nag teleport ba sya? or ibang tizer yung nakikita ko kanina? ugh! nakakainis na si tizer ah! "Liam, si tizer oh" turo ni shery kay tizer kaya sinamaan ko sya ng tingin, napa lakas ata ang sabi ni shery kaya napa tingin sya samin, sandali lang syang tumingin at binalik ang tingin sa kanyang binasa, ngayon ko lang nakita si tizer na nag babasa ng libro. Tumayo ako at nag simulang mamili ng libro, nag babasa ako ng interesting title na pwedeng basahin ko, sa totoo lang tamad akong mag basa, pero kasalanan ko to kaya kailangan kong tiisin. busy rin sa paghahanap ng libro sina dina, shery. Si Tj naman walang ginawa kondi todo pa cute kay tizer, si tizer naman ay seryoso lang na nag babasa at ni isang tingin lang kay tj ay di nya ginawa, napa simangot tuloy si Tj. nang makapili ako ng libro ay agad ko itong kinuha, nag taka ako ng may bigla ring kumuha dito kaya napatingin ako kung sino ito, nanlake ang mata ko nang makita si tizer, walang emosyon nya akong tingingnan. nagte-teleport ba to si tizer? binitawan ko nalang yung libro at tumalikod na naka yuko. Napa hinto ako ng bigla nyang hawakan ang braso ko, tiningnan ko sya, puno ng pag tataka ang mukha ko. "A-ano?" utal kung sabi, biglang nag bago ang eksperyon ng mukha nya. "Talagang di mo ako papansinin?" kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Eh anong di pinapansin eh ikaw nga tong hindi eh, bobo kaba?" deretso kong sagot. "Ang ibig kong sabihin ay di ka man lang mangungulit sakin? pano ka nakakatiis liam? di mo ba talaga ako mahal? nag effort pa naman akong bilisan yong kilos ko para naman malapitan mo ako" maluha luha nyang sabi, ramdam ko ang lungkot ng boses nya, napa lunok ako. "Oo, talagang di kita mahal, di nga kita gusto mahal pa kaya, salamat nalang sa effort" sa sinabi kong yung ay bigla syang bumitaw sa pagkakahawak nya sa braso ko, tumalikod sya at nag walk out. nasaktan ko ata si tizer. nakaramdam ako ng matinding konsensya, nag sisi ako na sinabi ko sa kanya iyon. tumakbo ako para habulin sya at tinawag ang pangalan nya. "TIZER!" nag tinginan ang lahat sakin, nag taka rin sila shery at dina. "UHUMMMMM" napatakip ako ng bibig at biglang narealize na library pala ito, nahiya tuloy ako, strikto pa naman ang librarian na'to. "Dun tayo sa labas" sabi ko kay tizer at hinila sya palabas. nang makalabas na kami ay hinarap ko sya, di ako deretsong maka tingin sa mata nya. "I din't mean to say that..." sabi ko. "Then?" tanong nya. malungkot yung mukha nya pero nilalabanan nya ito. Nanginginig yung laman ko sa kaba, na uutal na naman ako eh. "Actually i-i like y-you?" nagulat sya sa sinabi ko, pati rin ako nagulat. Jusko paano ko nasabi yun??? "R-really?" Kuminang ang mata nya, para syang ulol na aso sa reaksyon nya ngayon. "Uhm... not re-" di ko ito natapos ng bigla nya akong yakapin, gulat ulit ako. "Ouh i'm so happy! mag paparty ako mamaya!" sigaw nya at binaba narin nya ako, napa hinga ako ng malalim. "Pero... ano..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kumunot yung noo ni tizer. "Ano?" ramdam ko sa boses nya ang takot kaya wala na akong choice, ayaw ko namang magalit ulit sya sakin. "Uhm, gusto kita... pero slight lang" ngumiti ulit si tizer. "Well i'm gonna make sure to make you fall for me, gagawin ko lahat para sayo liam" sabi nya, kinilig naman ako. "Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya sa salitang yon" sabi nya at hinawakan yung kamay ko, nagawa ko naring tignan ang mata nya. "Gagawin at gagawin ko ang lahat para mapasaakin ka liam... wala dapat hahadlang dahil kung meron man ay papatayin ko talaga sya, i'll promise na palagi na akong loyal sayo simula ngayon, pinangako ko narin sayo na di na kita iinisin" sa sinabi nyang yun ay natunaw ang puso ko, nadagdagan ata ng 30%. hindi ko alam pero parang natatakot ako, sana hindi nya ako lokohin, wala naman sigurong masama kong bubuksan ko yung puso ko kay tizer diba? at unti unti ko narin syang nagugustuhan. i'll try to give him a chace... to prove his self na seryoso talaga sya. nginiti-an ko sya at ganon din sya, gumwapo pa sya lalo sa ngiti nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD