ANIKA POINT OF VIEW "Ikaw ba ang taya?" tanong niya sa isang batang lalaki. Tumango ito at lumapit nang nakangiti. "Nahanap mo na ba si Nathalie?" "Hindi papo," sagot nito na may kasamang pag-iling. "Bakit hindi pa?" "Siya po kasi ang pinakamagaling magtago." "Narinig mo 'yon? Mukhang mahihirapan din tayong maghanap." Tumayo na siya nang maayos sa tabi ko habang tumatakbo naman ang bata papunta sa mga nahanap niya ng kalaro. Maingat niyang sinuyod ng tingin ang paligid pero tulad ng pagtingin ko kanina, bigo siya sa paghanap sa anak ko. "Nakita niyo ba si Nathalie?" tanong niya kay Yayo. Tumingin sila sa amin at bumaling sa paligid bago sumagot. Umiling siya pati na ang iba niyang kasama. Nadismaya si Amiel. "Mukhang magaling ngang magtago si Nathalie," nakatawa niyang sabi sa a

