ANIKA POINT OF VIEW "Oh? Hi," alangan kong bati kay Bianca na nagwawalis ngayon. Takot akong pumasok ng bahay hindi dahil kay Bianca kundi dahil sa isang itim na usok na katabi ni Amiel. Ano 'yon? Hugis tao ang usok pero walang mukha. "Hi, naglinis lang ako nang konti. Medyo marumi na kasi dito." "Bakit ang aga mo?" bati sa akin ni Amiel na hindi man lang nagulat na nandito ang asawa niya at may babae siyang kasama. Sa loob mismo ng bahay namin. Naglilinis pa na mukhang gusto na kong palitan. Hindi ako nagseselos. Masyado lang kasing matapang ang hiya niya. "Masama 'yung pakiramdam ko kaya maaga akong nag-out," sagot ko at muling napatingin sa itim na usok na katabi niya. Lumundag ang puso ko nang may matang sumunod sa pagsulyap ko. Sinundan ako no'n hanggang sa makapasok ako ng k

