ANIKA POINT OF VIEW "Oh? Bakit mag-isa ka ngayon?" "Pa-order nga ng dalawang iced coffee 'yung may kasamang advice. Saka dagdagan mo na rin ng dalawang strawberry cake paki dala na lang doon. Salamat." "Luh." "Keep the change." Hindi ko muna siya pinansin at dire-diretso kong naupo sa gawing salamin. Dumukdok ako at naghintay. "Dalawang iced coffee at dalawang strawberry cake." "Sa'yo 'yung tigisa." Inayos ko 'yon sa katapat kong pwesto at nginitian siya na tinignan niya naman nang may pagkamaldita. "Anong keme 'yan?" "Masisiraan na ko ng bait," usal ko sabay hilamos ng mukha ko gamit ang kamay. "Pagbibigyan na nga kita. Baka mamatay ka pa diyan tapos ako masisi dito." Napangiti ako nang maupo siya. Sumubo siya agad ng cake at minostrahan akong magkwento. "'Di ba napakilala

