ERIN POINT OF VIEW Sinubukan kong ngumiti habang tinatanggap ang bouquet. Ayan na naman sila. Ang weird ng mag-ama na 'to. "Ow, muntik ko nang makalimutan. Naisipan kasi ni Nathalie na gawan ka rin namin ng lunch kaya heto, para sa'yo." Abot sa akin ni Rico ng isang cute na lunchbox. Nakakunot lang ang nuo ko habang tinatanggap din 'yon. Gusto kong sabihin sa kanila na sobra-sobra na 'to pero minsan, kailangan ko ring maging plastik. Kanina ko pa kasi iniisip kung paano ko bibili ng pagkain mamayang lunch sa halagang bente na nasa pitaka ko. Pero ngayon, mukhang madami-dami kong makakain. Mabigat 'yung baunan at baka pwede ko pang uwian si Nikko. Napangiti ako nang maisip ko ang nakangiting mukha ng anak ko. Siguradong matutuwa 'yon mamaya. "Mommy, start na po ba tayo?" tanong ni Nat

