•••
"Because the easiest thing to do is to escape"
Umaalingaw-ngaw ang tunog ng isang bumbero at ambulansya sa isang lugar na kung saan naganap ang banggaan ng dalawang sasakyan. Isang Van at truck ang kasalukuyan na umaapoy at parehong wasak ang harapan.
Ang driver ng truck ay dead on the spot at ang driver ng Van ay patay na rin at halos hindi na ito makilala pa. Ngunit ang higit na nakatawag ng pansin sa mga rescuer ay ang ginang sa loob ng Van na nakaupo sa likuran ng driver.
Si Margarette Delavanca asawa ng isang kilalang negosyante na si Zacharias Delavanca.
Kaagad na itinakbo sa hospital ang Ginang ngunit huli na ang lahat...
"Dalawang taon na ang nakakaraan ngunit ang pagkamatay ni Mrs. Margarette Delavanca ay isa pa ring misteryo para sa lahat dahil ayon sa naganap na imbestigasyon at mahabang nilakbay ng kaso. Ang lumalabas na naganap ay nakatanggap ng pagbabanta si Mrs. Delavanca bago pa man nangyari ang aksidente.
Napag-alaman na ang suspect ay ang mismong driver ng truck na namatay din sa naganap na banggaan.
Ngunit hindi pa natatapos at naliliwanagan ang hiwaga sa nangyaring aksidente dahil batid ng lahat na ang pamilyang Delavanca ay mamisteryo, hindi bukas sa publiko ang pamilyang ito. Kaya isang malaking katanungan ang gumugulo sa isipan ng karamihan kung paano nagkaroon ng taong may ganoong galit kay Mrs. Margarette Delavanca na humantong pa sa pagbabanta at sa kaniyang kasawian?
Ano ang dahilan ng driver ng truck?
Ano ang tunay na motibo nito?
Siya nga ba talaga ang Salarin?
O isa rin siyang biktima?
Ngunit ano pa man ang katotohanan ay patay na ito at siya ang itinuturo ng lahat ng nakuhang ebidensya. Ang kaso sa bangaan na iyon ay natapos na walang kahit isang lumantad na saksi sa pangyayari. Kaya sa huli ito ang may kasalanan sa nangyaring karumal-dumal na banggaan.
Ika nga sa kasabihan. A dead man can never defend himself.
Guilty or not guilty!
Case closed!"
Pahayag ng isang kilalang mamamahayag sa television.
◀▶
"Gusto kong tumira sa bahay nila Sazzy at Nanay Finna. Gusto ko silang kasama sa bahay."
"Why?"
"Gusto ko ng freedom Papa."
"Freedom?" ulit nito.
"Yeah, a freedom to stay out there..." aniya sabay pinukol ang tingin sa labas ng malaking bintana.
"Hija, you are not a prisoner here. You know that..."
"Baby pa lang ako ay nakakulong na ako sa bahay na ito. Dito na umikot ang mundo ko. Hindi ako lumabas kahit kailan... nun lang namatay si Mama. I wanna live there. I wanna know what kind of life out there... Gusto kong maramdaman na tao ako, na nag-eexist ako sa mundong ito. I don't even know who I am anymore papa. Nawala na si mama, mababaliw na ako dito."
Humihikbing aniya na may pagsusumamo.
Hindi naisip ni Zach na nahihirapan na pala ang kaniyang anak. Akala niya ay okay lang dito ang ginagawa nila dahil kahit minsan hindi ito nagtanong at hindi nagreklamo kung bakit ganun ang buhay na kinagisnan nito. Pero ngayon, ang kinahinatnan ng lahat ay matagal na pala itong naghahangad ng kalayaan na akala niya ay ipinagkakait sa kaniya. He felt that pain and loneliness written on her face.
"If only i could have a chance to go back in time, hindi ko pipiliing ikulong ka dito anak. I'm sorry my baby kung nadamay ka at ikaw ang nahihirapan."
Napaluha si Zacky sa nakikitang bigat na dinadala ng kaniyang anak.
•••
Matamang tinititigan ni Febbie ang maliliit na butas sa kaniyang blusa sa may bandang kaliwang braso niya habang nakaharap siya sa salamin. Pagkatapos ay napabuntong hininga siya pero agad ding ngumiti.
"Ano ka ba! Style yan! Yan ang uso ngayon! At the end of the day, it's not the material things that you wear but what inside your heart that really matters."
Pangangaral nito sa kaniyang sarili habang inaayos ang kaniyang mahaba at kulot na buhok na may natural brown color. Maputi siya at matangkad kaya madalas siyang napagkakamalang artista o modelo daw.
Ngumiti ulit siya pagkatapos niyang maayos ang kaniyang buhok.
"Well bun is life!" Sabi ulit niya sa kaniyang sarili sabay kindat.
"shorts plus butas-butas na blouse. Perfecto!" Pumitik siya sa hangin.
Pagkatapos ay napatitig siya sa kaniyang notebook kung saan doon niya madalas sinusulat ang mga bagay na madalas gumugulo sa kaniyang isipan. Mga tanong na hindi niya masagot.
Tungkol kay Tadhana!
She always think about destiny...
Curious siyang lagi kung ano ba ang kaugnayan ng destiny sa buhay ng isang tao.
Kasi may mga iba na dumedepende lang sa destiny yung iba naman ay hindi naniniwala.
But is it true that you are only made to love someone?
•••
Napangiti si Febbie habang binabasa ang kaniyang sinusulat. She loves the idea of finding the right person. Yun kasi ang madalas niyang nababasa sa mga nobela.
They said that love is a beautiful thing.
Love meant all of your emotions.
Love is something that can't be explained.
Love is all about how you understand and accept it.
Love is a mystery.
And She is in love with those love stories.
Yung may bigla silang nakikilala and later on malalaman nilang yun pala ang ka destiny nila. Yung magkagalit tapos biglang nagkakagustuhan. Yung ipaglalaban ang isa't-isa para lang sa pag-ibig kahit mali. Yung makakakilala ka ng isang tao na biglang babago sa mga pananaw mo. Yung gwapo at maganda na nagmahal ng pangit. Yung mayaman tapos na-in-love sa mahirap.
How did this Love matched them all?
Ganun din kaya sa totoong buhay?
Lahat ba ng nagmamahal ay tanggap ang isang tao kahit sino pa sila?
Does all stories end in happy endings?
Siya rin kaya may happy ending?
Napahugot siya ng malalim na paghinga.
May nangako noon na babalikan siya. Bata pa siya noon. But that was a long time ago!
"Kailan ka ba darating? Darating ka pa ba?" Bulalas niya sa hangin.
"Hoy miss destiny finder! Stop dreaming, wake up! Kanina pa nagri-ring yang phone mo! Thirty missed calls from Andrew Lim oh! How cruel!" Pahampas ng unan na pagsesermon ni Sazzy sabay turo sa cellphone ng kaibigan. "Nabibingi na ako sa tunog!"
Si Sazzy Elaine Angeles ang best friend niyang dakilang panira lang naman ng moment niya.
Hindi niya namalayang nakapasok pala ito sa kaniyang kwarto marahil na rin siguro sa lalim ng iniisip niya.
She rolled her eyes and then she looked at her phone.
Napangiti si Febbie at pagkuwa'y hinampas niya si Sazzy ng unan bilang ganti rito. "Bullseye!" She said, habang humagalpak ng tawa nang mahulog ito sa kama.
Pagkatapos ay nagtawanan silang pareho.
Tumayo si Sazzy mula sa sahig at pinampag ang sarili. "Kailan mo ba hihiwalayan yang si Andrew Lim?"
Napatingin si Febbie sa kaibigan. Blanko ang mga tingin na iyon.
"Aha! That look! Basang-basa ko yan e." Sabi ni Sazzy sabay turo sa mga mata ni Febbie.
"You know what?" Sazzy jumped onto her bed and lied down near her."If there is no reason to hold on, then let go." Taas kilay na sabi ulit niya habang nakatitig sa kisame.
"I know, but... Do you think, nasa tamang panahon na kaya? Wala akong maisip na reason para makipag-hiwalay. Kailangan caught in the act para wala ng dahilan para sisihin ako. Ayokong ako ang palalabasin niyang gumagawa lang ng dahilan para makipag-hiwalay." She lied down next to her and they enjoyed watching the ceiling for seconds.
And then Sazzy sighed.
"Masyado kang inosente sa lahat ng bagay. It was never your fault kung na fall out of love ka or nawalan ka ng gana dahil lang sa hindi siya nag effort na patunayang worth it siya for you. It is not wrong kung gusto mong kumawala sa kaniya. Bakit mo ba kasi binoypren yun eh ubod ng yabang? Tapos ikaw pa ang magi-guilty kapag hihiwalayan mo na? Ni hindi nga naghirap na nanligaw 'yun sa'yo." Mahabang litanya ni Sazzy na naka kunot-noo saka pinahaba ang nguso.
"Palibhasa hindi ka marunong magpaligaw!" pabulong na aniya sa mga huling litanya.
"Alam mo naman ang reason hindi ba?" Febbie sighed.
"I don't think na mapapaniwala mo ang Papa mo na in-love ka sa iba. Hindi pa rin nila iuurong yung arrangement lalo na at pareho nang sumalangit yung nagkasundo sa inyo. Parehong tini-treasure ang memories nila. "
"That is exactly my point! Bakit valid pa rin ang arrangement na iyon sa mga Delavanca?" tama, sinabi nga ng Papa niya na ang kasunduan ay ginawa ng angkan ng mga Delavanca.
Sazzy throws a meaningful look to Febbie.
"Oh jeez! Tell me, paano mo maaatim na suwayin ang huling kahilingan ng mama mo aber? At kahit hindi mo sabihin... alam kong ginagawa mo ito para hindi ka sisihin ng Papa mo kapag nagpakasal na sa iba yung suppose to be future hubby mo." Pinanlakihan nito ng mata si Febbie.
Napatitig si Febbie sa kaibigan. Saka sandaling nagkasalubong ang kaniyang mga kilay.
Naalala niya nung nakaburol ang Mama niya. May narinig siyang nagsisigawan nang napadaan siya sa isang kwarto na nakabukas. She heard everything. Hindi man niya nakikita ang mga naroon sa silid na iyon ay batid niyang sila ang mag-ama na tinutukoy ng kaniyang Papa na bisita nila. Ang anak nito ay naipagkasundo sa kaniya para pakasalan siya.
"Mahal ko siya Dad, sa kaniya lang ako sasaya!"
"Huwag mong ipilit ang gusto mo, ito ang gusto ng Mom mo."
"How can I marry someone na hindi ko kilala? Where is she now? You see? Namatay na yung Mom niya pero wala pa din siya! Don't you understand that this family is weird? I doubt it if their daughter even exist!" Malakas ang tono na sabi nito.
"Shut up!"
"I hate her! I don't want to marry that Februarie!"
"Dammit!!!"
Tumakbo na siya ng mabilis at hindi na tinapos ang usapan ng dalawang tao sa silid na iyon.
"Hayagan niyang sinasabi na hindi siya interesadong makita ako at ayaw niya sa'kin. This is my only way para mapatunayan kay Papa na walang kwenta ang arrangement na iyon dahil hindi naman namin gusto ang isa't-isa."
"As if naman na mahal mo din si Andrew. Hindi mo ba nasasaktan ang sarili mo niyan? Do you even know what is love? Sumusugal ka sa bagay na wala ka namang mapapala. Gets?"
Natahimik sandali si Febbie. "I don't know. Maybe, I'm just saving my pride. Basta feeling ko, hindi man harapan na sinabi sa akin yun. I felt so dejected. Pakiramdam ko sinira ko ang mundo niya dahil nag exist ako." She sighed.
"No. Baka kung nakita ka niya nun, it might be a different story now, sa ganda mong yan, naku!" Pairap na ani Sazzy.
"But if promises are meant to be broken, ang kasunduan sa mundo ng mga Delavanca ay hindi nasisira. Yun ang sabi ng dad mo. So take it or leave it. Makakasal pa rin kayo sa takdang panahon." Patuloy na sabi ni Sazzy.
"Kaya pakiramdam ko wala na akong choice." Nalungkot si Febbie.
"Nakakainis naman yang angkan mo masyadong sigurista." Pairap na ani Sazzy. "Nasa inyo na ang lahat pwera ang freedom na magmahal."
Tumahimik na lang ang paligid nang hindi niya namalayang nahila siya ng antok habang nagsasalita si Sazzy.
Nagising si Febbie na mag-isang nakahiga.
Napabuntong hininga na lang siya nang mapagtanto na natulugan niya si Sazzy habang nagsasalita. Na-guilty tuloy siya.
Limang taon na siyang nakatira sa kanila simula nung umalis siya sa Villa. Masyado siyang nasasakal sa rules ng mga Delavanca at sa situation nila ng kaniyang Papa. Nakipagkasundo siya dito na bigyan siya ng sandaling kalayaan para hanapin ang sarili niya. Unfortunately napapayag niya ang kaniyang Papa but of course with a condition.
She is not allowed to fall in love with any man. She is not allowed to talk to strangers. She said yes. Isang salita na binitawan niya na hindi naman niya pinanindigan.
Alam niyang bata pa lamang siya ay naipagkasundo na siya sa isang pamilya na hindi pa niya nakikilala sa personal, ngunit hindi na siya interesado dahil nalaman niya na hayagang hindi siya gusto nung lalaki at may iba itong gusto. Hindi na siya nag-abala pang kilalanin ito. Nasasaktan ang ego niya tuwing naiisip iyon dahil parang pinaparamdam sa kaniya na hindi siya kagusto-gusto. Kaya naman bilang ganti nakiusap siya sa Papa niya na payagan siyang umalis at napagpasyahang hinding-hindi siya magpapakita at magpapakilala sa lalaking iyon, kahit man lang anino niya ay hindi nito makikita. Lalo na at ayaw niyang guluhin pa ang masayang mundo nito sa ibang tao, sa taong mahal na mahal nito.
But maybe, if she showed up when her mom died, everything would be a different story katulad nga ng sinabi ni Sazzy. Maybe... pero posible din na pinahiya siya nun.
Dito na siya nakatira ngayon sa bahay ng best friend niya mula pagkabata na si Sazzy, tatlong araw lang daw ang tanda niya dito kaya naman mag-kalapit silang dalawa. Best friend since birth sila. Dahil hindi rin palaging nakakauwi ang Nanay ni Sazzy pumayag itong tumira siya sa kanila. Namamasukan ang Nanay ni Sazzy na si Finna sa kaniyang Papa at ito ang Mayor Doma sa Mansion. Madalas, dalawang araw sa isang buwan lang ito umuuwi doon.
Nakilala niya si Andrew Lim, at pumayag siyang maging boyfriend nito. Pero tama ulit si Sazzy ano ba ang alam niya sa love? Bago lang naman para sa kaniya ang lahat ng ito. Akala niya madali ang lahat kapag nakuha niya yung freedom na hiningi niya but still umaayon lang siya sa pag-ikot ng mundo.
And she understood that she is too innocent and naive.
She found out that Andrew Lim is in a secret relationship with the hottest and richest girl in their school.
He is cheating behind her back!
Siguro dahil hindi siya nag-aayos masyado ng kaniyang sarili. Hindi siya nagme-make up at higit sa lahat hindi siya sikat at mayaman. She is just a beauty with nothing. Good thing she didn't show her real life status and she can't tell anyone who she was. In this situation she can really see who can love her truly.
Sa ngayon ayaw na niyang makipag ayos pa dito. Ayaw na niyang makipag laro, this is her one way ticket to break their relationship. Now what she's waiting is just a perfect timing to get rid of Andrew Lim out of her life forever.
Pagkatapos ay sandali siyang pumikit at hindi niya namalayang hinila na siyang muli ng antok palayo sa kalaliman ng kaniyang mga iniisip.
●●●
It was near dusk with the sky growing dark in the distance and Febbie is on her way to a café. She's not that really a coffee lover pero minsan hindi niya maintindihan kung bakit parang palagi siyang dinadala doon ng mga paa niya. Nakakasanayan niyang dumaan saglit sa café house, it's like she's been waiting for something to come around or looking for something na hindi niya makita-kita.
Habang naglalakad siya sa parking lot ay napansin niya ang isang tao na makakasalubong niya at mabilis itong maglakad tila nagmamadali. He's wearing a black coat at nakayuko ito habang naglalakad. Sa sobrang bilis ng pangyayari napatingin na lang siya dito. But she was shocked nang bigla siyang binangga nito sa left side niya. Hindi niya alam kung nakita ba siya nito or talaga lang na hindi tao ang tingin sa kaniya.
Funny but it's really rude! In her thoughts.
"Ouch!" Malakas na sigaw niya to affirm that person that she got hurt. And she won to caught his attention dahil dagling napalingon ito sa kaniya.
Pilit na inaaninag ng dalaga ang mukha nito ngunit hindi niya ito masyadong makilala dahil suot nito yung hood ng coat and that time medyo madilim na rin ang kapaligiran.
"Damn it! Tignan mo naman kasi ang dinadaanan mo huwag kang paharang-harang diyan!" Said the guy sarcastically and then he walked away. At tinungo nito sa di kalayuan ang nakapark doon na sasakyan nito. Pagkatapos ay mabilis nang pinatakbo ang Luxury na sasakyan nito na parang walang nangyari.
"Just like that?!" Reklamo ni Febbie.
"Nasaktan kaya ako! At ako pa ang sagabal sa daanan mo?! Nakasakay ka sa magandang sasakyan pero wala kang good manners!" Pagmamaktol niya sa lalaki. Pero sa hangin na lang niya iyon nasabi kasi nakalayo na ito. Hindi na rin siya nito maririnig kahit ano pang reklamo niya.
Mas mabilis pa sa kidlat ang nangyari.
-->You wonder what is life out there. But when you get there. Life is just the same old story. May darating. May nawawala. May pinapanganak. May namamatay. Masaya. Malungkot. Minsan hindi mo maintindihan.