“Ghian, tulala ka na naman.” Puna ni Josie sa kanya. Napatingin siya kay Josie at sa paligid niya. Hinihintay nga pala nila ang professor nila para sa susunod na subject nila. Nakatitig na sa kanya si Josie habang hawak ang isang libro tungkol sa mga zodiac signs at si Crissa naman ay nakikipagbangayan kay Leo at sa grupo nito kasama ang ilan pang kaklase nila na ang iba ay ibang kurso ang kinukuha. Umaga pa lang pero heto at tulala na naman siya. Kung hindi siya tulala ay palagi siyang seryoso at madalas ay lutang siya. Mabuti na lang at naiintindihan pa naman niya ang mga lessons nila. “May naisip lang ako. May sinasabi ka ba?” inayos niya ang sarili niya at umupo siya ng maayos. Sasagot na sana si Josie ngunit sakto namang dumating ang professor nila kaya nagsiupuan na rin ang mga

