Pagkatapos ng first quarter exam nina Ghian at habang naglalakad sila palabas sa paaralan ay nagyaya si Anna na mag-bar sila. “Anna, hindi pa tayo pwedeng uminom sa bar dahil underage pa tayo.” Agad niyang kontra sa pagyayaya nito. “Then let’s pretend na nasa tamang edad na tayo para papasukin tayo.” Suhestiyon naman ni Jiselle. “Paano?” takang tanong niya. “Easy. Magdisguise tayo.” Nakangiting sagot muli ni Jiselle. Dahil sa naisip na iyon ng mga kaibigan niya ay niyaya siya ng mga ito sa mall para bumili raw sila ng damit na isusuot nila na hindi mahahalata ang tunay na edad nila. Nagtext na lang siya kay Alexis na magtataxi na lang siya pauwi dahil may pupuntahan pa sila ng mga kaibigan niya. Pagkarating sa mall ay agad silang namili ng susuotin nila. Croptop ang napili ni Anna at

