Nagising si Ghian na bahagyang masakit ang ulo niya. Agad niyang naalala ang kasal ng Mommy niya kahapon kay Crisanto Montalban na step-dad na niya. She didn’t eat a lot yesterday dahil nagmukmok lang siya sa isang tabi at mas piniling uminom mag-isa.
Bumangon na siya at tinungo ang comfort room sa kwarto niya. She took a shower for 30 minutes at agad na siyang nagbihis ng pambahay niyang maikling short at sando.
Ganoon na ang nakasanayan niyang isuot pag nasa bahay lang siya at hindi niya iyon babaguhin dahil lang sa Mansiyon na sila nakatira. Malaki naman ang mansiyon at napakabihira niya sigurong makakasalubong ang step-dad niya pati na rin si Alexis.
When Alexis crossed her mind ay bigla na lang bumalik sa alaala niya ang nangyari sa kanila kagabi kaya bigla siyang napatigil sa pagsusuklang ng buhok niya sa harap ng vanity mirror niya.
She kissed him!
Parang napahiya siya bigla sa sarili niya nang maalalang pinagbintangan niya itong pervert pero sa nangyari kagabi ay siya pa ang nanghalik kay Alexis.
Bigla niyang pinadaan sa mga labi niya ang dila niya nang maalala ang nangyaring paghahalikan nila kagabi.
It was magical. Masarap palang makipaghalikan at noon lang niya nalaman iyon. And Alexis was a good kisser. Kahit ito pa lang ang nakakahalikan niya ngunit masasabi niyang magaling talaga itong humalik especially when his tongue entered her mouth. Parang nakakaaddict pala ang ganoong pakiramdam at gawain. No wonder marami ang mga babaeng naghahabol kay Alexis dahil masasabi niyang complete package na marahil ito.
But she was not in her right mind last night nang halikan niya ito at marahil ay alam naman nito iyon kaya kakalimutan na lang niya ang nangyaring halikan nila. At isa pa ay step brother na niya ito, so neither her mom nor his dad should know about it.
Bigla siyang muling napatitig sa sariling repleksiyon niya sa salamin nang marealize na hindi na niya alam ang nangyari pagkatapos nilang maghalikan.
Did she pass out? Ang natatandaan lang kasi niya ay naghalikan sila at nahilo at parang inantok na naman siya hanggang sa napahiga na lang siya at wala na siyang naaalala pagkatapos niyon.
Kinapa niya ang katawan niya lalo na ang maseselang parte niyon. She’s not sore anywhere and she doesn’t feel anything different about her body.
Mukhang hindi naman siya pinagsamantalahan ni Alexis o minolestiya and that made her smirk.
Gentleman naman pala ang inakala niyang pervert. At least now she’s sure that he’s not a rapist.
Napatawa siya ng mahina sa naisip niya.
Kung anu-no na tuloy ang naiisip niya dahil sa ginawa niya kagabi.
Nang matapos makapag-asikaso sa sarili niya ay lumabas na siya sa kwarto para bumaba at kumain ng breakfast. Nasalubong pa niya sa hagdan ang isang katulong na papunta na sana sa kwarto niya para tawagin siya.
“Hinihintay na po kayo nina Señor sa baba, Señorita.” Magalang na sabi ng katulong sa kanya.
Señorita.
Unang beses na may tumawag sa kanya ng ganoon. Hindi siya sanay ngunit batid niyang ganito na ang magiging buhay niya simula pa kahapon. Dati ay nagkaroon na rin naman sila ng katulong pero pangalan lang niya ang itinatawag sa kanya noon ng katulong nila.
“Sige, papunta na ako don.” Aniya at nagmamadali na itong bumaba para siguro sabihan ang mga naghihintay sa kanya sa baba na paparating na siya.
Nadatnan niyang nakaupo na sa kabisera ang step-dad niya at sa kanan naman nito ang mommy niya. Umupo na lang siya sa tabi ng mommy niya imbis tumabi kay Alexis kaya naging magkatapat na lang sila ng binata.
“How was your first night here, hija? Did you sleep well?” Nakangiting tanong sa kanya ng step-dad niya habang naglalagay ng mga pagkain sa lamesa ang mga katulong.
“Ok lang po Tito, nakatulong naman ako ng maayos.” Aniyang tinapunan ito saglit ng tingin at pilit na nginitian bilang paggalang.
“That’s not the proper way to address him now anak. Call him dad.” Sabi naman ng mommy niya sa mahinahong tinig.
“Yes, call me dad. But if you still need more time to adjust, it’s fine with me. Call me dad when you’re comfortable and ready.” Nakangiti pa ring sabi ng step dad niya sa kanya.
“Thank you.” Sabi na lang niya at nagsimula na silang kumain.
Her step-dad is right. Hindi pa talaga siya kumportableng tawagin itong daddy. Maybe time will come na matatawag rin niya itong daddy dahil wala naman na siyang magagawa kundi tanggapin na asawa na ito ng mommy niya.
“Alexis, why don’t you tour Ghian around after we eat para naman maging familiar sa kanya ang pasikut-sikot dito?” her step-dad suggested habang kumakain sila.
“Sure dad.” Nakangiti namang sagot ni Alexis sa daddy nito.
Pagkatapos kumain ay agad nga siyang inilibot ni Alexis sa mansiyon. Una siya nitong dinala sa malawak na garden na pinagdausan ng reception kahapon at malinis na ulit iyon. Sunod ay dinala siya nito sa malaking swimming pool sa labas at nang nasa loob naman siya nito inilibot ay nalaman niyang may indoor pool din doon na may glass ceiling. At dahil nasa third floor ang pool ay tanaw na ang kalangitan mula sa pool and she could only imagine how beautiful it would be to look above the stars at night while swimming. Sa palibot naman ng pool ay may mga halaman na namumulaklak at may ilang malalaking bato.
Unang tingin niya pa lang ay naisip niya agad na para siyang nasa paraiso dahil sa ganda niyon.
“Ang ganda…” bigla niyang naibulalas at naisip agad niyang magsuswimming siya doon sa mga susunod na araw.
“Yah. And maids are not allowed to go here unless you asked them.”
Napatango naman siya. Huli siya nitong dinala sa malawak na rooftop at napag-alaman niyang hindi naman pala kita mula roon ang pool dahil espesyal na salamin ang ginamit sa glass ceiling at may malaki ring garden na nakapalibot doon.
“Alexis, tungkol nga pala sa nangyari kagabi. Kalimutan na lang natin yon.” Hindi na siya nakatiis at binuksan na niya ang topic na iyon nang tapos na siya nitong ilibot sa buong mansiyon.
“Don’t worry, I wont tell anyone that you kissed me.” Nakangiting sabi nito sa kanya.
“I also won’t tell anyone that you kissed me.” Aniya rito at nakipagtitigan siya kay Alexis. Hinalikan niya ito nong una pero nung pangalawa ay ito na ang humalik sa kanya. So quits lang sila.
“Alright sis.” Natatawang sabi nito sa kanya.
Napagkasunduan ng mag-asawa na sasabay nalang siya kay Alexis sa pagpasok sa eskwela at pauwi kung magtutugma ang schedule nila pero kung hindi ay ang family driver na ang bahalang maghatid-sundo sa kanya.
“Bye sis. See you later.” Nakangiting paalam ni Alexis sa kanya ng ihatid siya nito sa room niya sa skwelahan. He insisted on coming with her kahit hindi naman na kailangan, tuloy ay pinagtitilian ito ng mga estuyanteng babaeng nadadaanan nila lalo na ng mga kaklse niya.
“Tigilan mo na nga ang pagpapacute Alexis dahil hindi na nakakatuwa. Konte na lang ay mabibingi na ako kaya umalis ka na.” pagtataboy niya rito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang eardrum niya sa lakas ng tili ng mga kaklase niya.
“Ok, then. Just call me when your classes are done.” Anito at bago tumalikod ay ngumiti pa ito at kumaway sa mga kaklase niya na animo ay artista.
Napailing na lang siya.
Agad namang nagsilapitan sa kanya ang mga kaklase niyang babae at nangulit tungkol kay Alexis. Nakatanggap pa siya ng ilang maliliit na kurot sa tagiliran niya mula sa mga kaibigan niya dahil sa sobrang kilig ng mga itong makita si Alexis.
“Ghian, pag nakahalikan ko si Alexis kahit isang beses lang ay magpapamisa talaga ako!!” exaggerated na sabi ng kinikilig na si Jiselle. Tumangu-tango naman ang iba pang kaibigan at kaklase niya sa sinabi ni Jiselle.
Sunud-sunod na lang siyang muling napailing. Siya nga, dalawang beses na niyang nakahalikan si Alexis pero pinili niyang kalimutan na lang.
Maliit na bagay.