“Bakit kayo nanunuod ng ganyan?” curious na tanong niya sa mga kaibigan niya. “Ano ka ba, Ghian. Pag nagkaboyfriend na tayo ay gagawin na rin natin ito kasama ang boyfriend natin kaya dapat alam na natin ang gagawin.” Ani Jiselle at sumulyap pa sa kanya. “Ha?” “Masyado ka kasing inosente. Pag nagmamahalan kayo, gagawin niyo yan ng boyfriend mo.” Tila pangangaral pa sa kanya ni Eliza. “Paano kung hindi kami magkatuluyan ng boyfriend ko tapos may nangyari na sa amin?” takang tanong niya. “Eh di ok lang yon. At least nagkatikiman kayo at natikman mo ang luto ng langit.” Sabi naman ni Anna na bahagyang natawa. Maging sina Jiselle at Eliza ay natawa rin. “Tama.” Sabi pa ng mga ito. “Kaya dapat, galingan mo para hindi maghanap ng iba ang magiging boyfriend mo.” Sabi ni Jiselle at napakuno

