Pagkaalis ni Ghian sa mansiyon ay dumiretso siya sa terminal ng bus. Hatinggabi na at wala na siyang masasakyan na bus papunta sa probinsiya nila kaya napilitan siyang doon muna matulog para magpalipas ng oras. Nakabili naman na siya ng ticket pauwi sa probinsiya nila kaya hihintayin na lang niya ang bus na sasakyan niya bukas ng umaga. Ang dami rin palang mga pasaherong kagaya niya ang napipilitang maghintay at matulog sa bus terminal. Iba-iba nga lang ang kwento nila pero lahat sila ay handang tiisin ang paghihintay at pagbiyahe ng ilang oras makauwi lang sa kani-kanilang probinsiya. If only her mom was still alive, she wouldn’t be there. Malamang ay iba ang ginagawa at ang buhay niya ngayon. But this is her life now. And she has to learn to face life alone. Paidlip-idlip lang siya a

