Nabulabog ang tulog ko nang ilang mga katok sa pintuan. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa sofa pag-uwi namin dito ni Lyka sa apartment ko. Ayaw niya akong iwan kanina kaya lang sinabi kong gusto ko munang mapag-isa at alam ko ring pagod na siya at kailangan din magpahinga. Sinuklay ko ng mga daliri ko ang buhok kong bahagyang nagulo bago tinungo ang pinto. Pagbukas ko nito ay namilog ang mga mata ko nang makita si Marco roon. Iyong totoong Marco. Wala siyang necktie at bahagyang nakasilip ang matipunong dibdib niya dahil sa pagkakatanggal ng ilang butones ng polo niya. Magulo rin ang buhok niya at namumula ang mga mata. Umiyak? “Ano’ng ginagawa mo rito?” pagalit na tanong ko nang hindi niluluwangan ang pituan dahil wala naman akong balak na papasukin siya. Malungkot itong

