Hindi pa rin ako makapaniwala sa isinagot ni Marco nang tanungin siya ni lolo kung sino siya. Patuloy pa ring nagre-replay sa utak ko ang mga nangyari kanina. “I’m Marco Aguilar. Pamangkin po ako ng may-ari ng lupaing iyon at ako rin ang katiwalang inilagay ni lolo Prim para magbantay doon,” walang gatol na sagot ni Marco. So, pamangkin siya ng may-ari? Akala ko pa naman ay siya talaga ang may-ari noon. O kung hindi man, anak gano’n, pero hindi pala. “So, you are related to Primitivo Aguilar?” pagkukumpirma ni lolo na magalang namang tinanguan ni Marco. Wala man lang akong maaninag na pangamba sa mga mata ni Marco habang nakikipag-usap kay lolo. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako ang kinakabahan dito. “Lo, siya po ang tumulong sa akin kaya po maayos akong nakauwi rito. Pinatuloy po ni

