Ashnea’s POV Narito kami sa ospital ngayon dahil biglang sumakit ang tiyan ni ate Malena pagkatapos ng naganap na mga pag-uusap kahapon. Kagabi ay sinabi ng doktor na kailangan nang ilabas ang bata via cesarian delivery kung hindi ay maaaring mamatay ang bata. Sobrang na-stress si ate sa nalamang hindi si daddy ang tunay niyang ama. Kung mayroon mang pinaka-close kay daddy sa aming tatlo ay si ate iyon. Kaya siguro malaking shock para sa kaniya ang nalaman. Minsan nga nakakaramdam na ako ng selos noon dahil talagang aaminin man ni daddy o hindi ay paborito niya talaga si ate. “Ate…” napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Andrew. Papalapit ito sa kinaroroonan ko kasama si yaya Shen. “Nakatulog ka ba ng maayos?” agad kong tanong sa kaniya. Tumango naman ito at nilingon ang pin

