Hindi ko alam kung gaano ako katagal na napatanga sa narinig ko. Hindi agad naproseso ng utak ko ang mga sinabi niya sa akin. Siya raw ang tunay na Marinelle Del Mundo! Ano’ng ibig sabihin noon? Iyong kinikilala nina Marco at Marcus na mommy ay hindi totoo o isang peke? “Ano pong sinabi ni’yo?” namamanghang patanong na bulalas ko. “Makinig kang mabuti hija. Tingnan mo akong mabuti? Ako ang tunay na Marinelle Del Mundo. Ang Marinelle na kilala ng lahat ay ang kakambal kong si Meridith. Nagpapanggap lang siya bilang ako para makuha ang lahat ng gusto niya! Nakikiusap ako sa iyo, Ashnea, dalhin mo ako sa mga anak ko. Dalhin mo ako sa kanila bago mahuli ang lahat! Kailangan nilang malaman ang totoo!” hindi lang gulat at pagkabigla kun’di matinding pagkagimbal ang nadarama ko habang mabilis n

