Tatlong araw na mula noong bumisita si Marinelle at mula noon ay walang tigil ang mga pag-iyak ko. Ilang beses ring tumatawag si Martin ngunit hindi ko nagawang sagutin. Sobrang bigat ng dibdib ko at tila sasabog na ang utak ko. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin. Nangiginig ang buong katawan ko sa tuwing maalala ko ang ngiti ng dalawang inosenteng bata sa picture na iyon. Hindi maikakailang anak ni Martin ang kambal dahil kamukhang-kamukha niya ang mga ito. Lahat ay nakuha nila sa kanilang ama mula sa mga mata, ilong, labi at maging ang mga pagngiti nila. Hindi ako masamang tao kaya hindi ko maatim na agawan ang mga walang kamuwang-muwang na batang iyon. Hindi nila deserve ang lumaking walang ama. Sa sumunod pang araw ay ang pagbabalik na ni Martin dito sa Camiguin. Ni hindi ko alam kung

