"Will you please stop moving around you dufus? You are disturbing me." saway ko sa isa sa aking mga kaibigan. Hindi man halata pero oo. Kaibigan ko ang isang ito. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya naging kaibigan.
"I'm not moving around, stupid. I'm working out." depensa niya sa sarili. Why am I even talking to this dufus?
"Just so you know, hindi gym ang bahay ko para dito ka magwork-out. Kung pwede ba, alis na. Marami pa akong gagawin." pagtataboy ko sa kanya. Ang akala ko ay susundin niya ang sinabi ko. Pero naalala kong sintu-sinto pala ang isang ito kaya hindi na ako nagulat nang pumirmi lang siya sa kinatatayuan niya.
"Ace, kailan mo ba balak na tumigil sa pagtatrabaho? Mayaman ka naman. Sobrang yaman pa, pero bakit ayaw mong tumigil sa kakatrabaho?" humalukipkip siya. Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Mas gugustuhin kong magtrabaho kesa magsayang ng oras sa mga kalokohan niyo." simpleng sabi ko saka ko binalik ang atensyon ko sa mga papeles. Pinagpatuloy ko ang pagpipirma ng mga dokumentong ipinadala sa akin. Sa dami ng mga gagawin ko, hindi ko iyon magawa lahat dahil sa isang 'to! Give me peace, please.
"Makasabi ka diyan ng kalokohan. Akala mo naman hindi maloko." bulong niya pero narinig ko naman. What's with this man? Sa aming lahat, ako ang pinaka-matino. Masasabi na rin na ako ang pinaka-gwapo.
"Mabait ako." sabi ko at pinirmahan ang isang papeles. Being a very considerate friend, hindi ko na sinabi na ako pinaka-gwapo. Bakit ba ngayon tumambak ang napakaraming papeles? Hindi na lang kasi binigay nung isang araw. Edi sana nakakapagpahinga na ako ngayon.
"Mabait? Pakyu, Ace, pakyu. Lamunin mo to." sabi niya sa akin saka akmang ipalalamon sa akin ang kamao niya. Natatawa na lang talaga ako sa kanya minsan. Umiling ako sa kanya habang natatawa. Siya naman ay mas lalong kumunot ang noo.
"T-tigilan mo ako sa tawa mong iyan, Ace. Di porket bihira ka lang tumawa ay madadala mo na ako sa nga ganyan mo. Ewan ko sayo! Makaalis na nga!" sabi niya saka siya nakasimangot na umalis sa opisina ko. Buti naman at naisipan na niyang lumabas. Paniguradong iba naman ang guguluhin niya. Kung nalaman ko na tawa ko lang naman pala ang makakapagpalayas sa kanya, kanina pa ako tumawa na prang baliw.
Hindi naman sa palagi akong seryoso o ano. Hindi ko lang talaga hilig na bigyan ng pansin ang isang bagay lalo na kung wala naman iyong kuwenta.
Ang isang yun ay si Josh Alcantara, he's a friend of mine. Hindi mo alam kung sadyang trip lang niya na manggulo o may sapak talaga siya sa isip. I'm Alexander Calvin Ethan Montero, but I prefer being called as Ace. A 24-year old CEO of Montero Hotel which has more than thousands of branches all around the world. I also have ten different branches of Montero Construction Company all over the world. And now tell me, sa estado kong ito, magagawa ko pa bang magpakasaya sa buhay ko kung nasa kamay ko ang milyon-milyong empleyado na nangangailangan ng sweldo sa hirap ng buhay ngayon?
Ugh! This frustrates me more than I expected five years ago. And back then, I thought handling our company is just an easy thing. I admire my father for being a very responsible leader to this company. Five years na since ako na ang naging CEO pero pakiramdam ko kulang pa rin ang nagagawa ko para sa kompanya. Hindi pa iyon sapat.
Gusto kong umunlad ang kompanya gaya ng inaasahan ni Dad at alam kong magagawa ko rin yon. But for now, I need to work hard. At that time, tumawag ang secretary ko. Ano na naman ang kailangan niya?
"What do you need?" tanging sabi ko ng sagutin ko ang tawag. I kept my tone in a very formal one.
"May pinapautos po ang Dad ninyo, boss. Something personal." sabi niya. Nagtaka naman ako. Si Dad? Ngayon lang siya magapapautos sa akin. Hindi si Dad ang tipong magpapautos ng tungkol sa mga personal na bagay. Palaging tungkol iyon sa kompanya o sa mga negosyo.
"Tell me." utos ko sa kanya. Agad naman siyang tumango sa akin.
"Ang pamilya po ng Edwards ay papalipad na papunta dito sa Pilipinas. Tinawagan niya ako para sabihin sa inyo na asikasuhin ang lahat ng kakailanganin nila pag-lapag ng eroplano nila dito. Matalik daw niyang kaibigan ang pamilyang ito kaya gusto niyang asikasuhin daw itong mabuti. Mamayang 4 pm daw po ang dating nila. Yun lang ang pinapasabi niya, boss." sabi niya sa akin nang dire-diretso. Napatigil ako sa pagpipirma ng mga dokumento at binaling ang buong atensyon ko sa aking sekretarya.
Edwards? Ngayon ko lang narinig ang apelyidong iyan. Sa tingin ko naman, hindi sila isa sa mga ka-sosyo sa kompanya namin. Marahil ay nasa ibang bansa sila at hindi sila dito naninirahan.
"Sige." yun lang ang sabi ko saka ko ibinaba ang tawag. Hinilot ko ang sentido ko at nag-isip ng pwedeng gawin. 10 pa lang at may ilang oras pa ako. Why of all time? Kung kelan pa talaga wala akong oras para ibang bagay.
Great. Lalo lang sumasakit ang ulo ko dito.
***
Lianna's POV
"Baby, smile. I don't want Mr. Montero to see you frowning. You know that his family is a great friend of ours." suway sa akin ni Mommy nang makita niya akong nakasimangot. At paano ba naman ako hindi sisimangot kung napilitan lang akong pumunta dito sa Pilipinas? I told them that I wanted to stay in Cali!
Bakit kasi kailangan pa naming bumalik dito? Bakit pa nila ako kailangang isama? Pwede namang maiwan na lang ako sa California. I spent my whole life there, why the sudden return here?
"Ma, bakit niyo pa ba ako sinama?" nakasimangot na tanong ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.
"We can't leave you there alone, Lianna. You are old enough pero alam mo ang nangyari ilang taon na ang nakalipas nang iwanan ka naming mag-isa. You were kidn*pped and I was so worried of you. Hindi mo alam kung gaano ako ka kabado ng malamn kong nawawala ka, anak. And you were kidn*pped for what? For money! Kinuha ka dahil mayaman tayo. Buti na lang at nahuli ang kumuha sayo." sabi niya.
Nakita ko na namang nangingilid ang luha sa mga mata niya kaya malakas akong napabuga ng hangin at niyakap siya. I can't bear to see my Mom crying because of me.
Well of course, my mom has a point. But that doesn't change the fact na nagtatampo ako sa kanila.
"Sweetie, don't be mad at us. Sadyang hindi ko lang talaga kaya kapag may mangyari ulit sayo ng ganoon. I hope you understand us." sabi ni Mommy habang nakayap siya sa akin at sumisinghot pa. Hindi ko talaga matiis ang parents ko. Bumuntong hininga na lang ulit ako saka ako pumikit.
Mga ilang minuto na lang at bababa na kami ng eroplano. Wonder what's here in the Philippines. Half-Filipino at Half-British ako pero sa California kami nanirahan dahil nakakuha doon ng mansiyon si Dad na pure British. Si Mama naman ay Pure Filipina kaya marunong ako magtagalog pero never pa akong nakapunta sa Philippines. Ngayon ang first time ko.
Don't get me wrong. I have nothing against my mother's country. Kahit saang bansa pa nila ako dalhin, hindi magbabago ang desisyon ko. I will still stay in Cali. Kung magbabakasyon lang kami rito, tanggap ko pa. I will gladly come here without any hesitations. But to live here? Please, no.
I made my name in Cali. I am known as a model there. When you tell them my name, Lianna Edwards, kilala nila ako agad. At the age of 22 years old, you can say that I'm quite successful. I am a graduate of Art directing but I was scouted by an agency before to model them their clothes. Hanggang sa napasok ako sa isang sikat na clothing line. Doon na umusbong ang aking career bilang isang model.
Although I'm a famous model, I am also working for W Magazine, they are well known for being a fashion magazine. Pero last week ay nag-quit ako. Kung bakit? That's because I'm going here. Leaving my work in California is very devastating for me. One of the reasons why I don't want to leave. But I love my parents, that's why I'm going even if I don't want to.
Sa kakaisip ko ng mga bagay-bagay, hindi ko na namalayan na nakababa na pala kami ng eroplano at nandito na kami sa NAIA Terminal 1. Terminal 1 nga ba? Ay ewan. Basta NAIA. Nang makalabas kami, napansin ko agad ang lalaking may hawak ng cartolina. I saw our family's name pero I shouldn't assume just because of the surname. Who knows? Baka marami pala kaming ka-apelyido rito.
"Mom, yun na ata oh." turo ko sa isang medyo may katandaang lalaki na may hawak ng cartolina na may nakalagay na Welcome to Philippines, Edwards Family.
I appreciate the thought.
Pumunta kami sa lalaking iyon at kinausap iyon ni Dad. The next thing I know, nakasakay na ako sa isang sasakyan. Hiwalay ako kina Mom at Dad dahil hindi ako sanay. Kahit sa sasakyan man lang, gusto ko sana mapag-isa ako. Kaya ayun, pinayagan ako nila Mom.
"Kuya, saan po ba tayo pupunta?" tanong ko sa driver. I'm not familiar with this place. I am quite nervous but I remained calm as I looked outside the window.
"Sa mansyon po ni Mr. Montero." simpleng sagot nung driver at nginitian ako. Tinanguan ko naman si Manong.
"Ahh. Nandoon na po ba sila mama?" tanong ko ulit.
"Hindi po sila sa mansyon na iyon tutuloy. Kayo po ay titira sa mansion ng panganay na anak ng mga Montero. Ang mga magulang niyo naman po ay titira sa mansyon ng pamilya nila mismo. Hindi niyo po ba alam iyon?" sabi ni manong na nagpagulat sa akin. Nanlaki agad ang mga mata ko at nataranta.
Anong kalokohan ito? Agad kong tinawagan si Mom dahil hindi ko alam ang nangyayari ngayon. Ilang ring bago niya iyon sinagot.
"Yes, sweetie?" malambing na sagot niya sa kabilang linya. This is absurd!
"Ma! Ano ito? Bakit sa ibang mansion ako pupunta?" singhal ko sa kanya. Una, hindi ko gusto ang pagpunta namin sa Pilipinas. Ngayon naman ay titira ako sa bahay ng anak ng kung sinong pamilya na hindi ko naman kilala? I could've just stayed in a hotel kung ganito lang din naman pala!
"Oh yun ba? I thought gusto mong mahiwalay sa amin? Yun lang ang kaya naming gawin since kailangan ka naming isama. So I thought na kahit papaano, magsaya ka naman sa bakasyon mo dito. Ayaw mo nun, may makikilala ka pa? I hope you two get close. Anyway, enjoy!" mahabang paliwanag niya sa akin saka niya ako binabaan. Wow. Just wow. Why would I enjoy this vacation with a person that I don't even know?
Nanatili akong tulala ng ilang minuto. Hindi pa rin nagreregister sa utak ko ang nangyayari. Anong kalokohan ang ginagawa nila?
"Miss, nandito na po tayo." sabi ni manong kaya napatingin ako sa labas. Inayos ko ang bag ko at sinabit na iyon sa aking balikat. Nakita ko na nasa tapat kami ngayon ng isang malaking mansyon. Classy.
"Salamat po. Ako na lang po ang kukuha ng maleta ko sa likod. Pakibukas na lang po." sabi ko kay Manong saka ako lumabas ng kotse at kinuha ang maleta na nasa likod nito. Bumusina muna si manong saka siya umalis patungo sa parking area.
Eto na. Nandito na ako sa tapat ng napakalaking pinto. Ano ba naman kasing kalokohan ang naiisip nila mama? Why am I even here? What am I supposed to do?
"You must be, Ms. Edwards."
"Ay bakla!" napatili ako nang may magsalita sa may likuran ko. Holy cheese! A Greek God?!
Nagulat ako at halos atakihin na ako sa puso nang bigla siyang sumulpot. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko siya. Matangkad siya kaya napatingala ako nang bahagya.
Wow. I didn't know that a man can be this handsome. His deep brown eyes fits perfectly in him. Masyadong maamo ang mata niya na para bang nilulunod ka nito. Napadako rin ang mga mata ko sa kanyang matangos na ilong.
Lumapit siya sa akin at doon ko lang napansin na sobrang tangkad niya sa akin. Nasa balikat niya lang ako at mababali na ang leeg ko kung titingalain ko pa siya ng matagal.
"Are you done fantasizing about me?" seryosong sabi niya. Tila natauhan naman ako sa sinabi niya. I blinked a few times.
"E-excuse me? What did you say?" di makapaniwalang tanong ko. Baka mali lang ang pagkadinig ko kanina.
"Are you done fantasizing about me?" aba! Yun nga ang sinabi niya! Hindi mali ang pagkadinig ko! Inulit niya lang eh! Sininghalan ko siya.
"I'm not fantasizing about you. I'm just looking at you. I think I've seen you before." palusot ko. I broke my eye contact with him. Sana patusin niya. Tch. Mahangin din pala ang isang ito.
"Is that so? Then we should go inside. I'm sure na pagod ka sa biyahe." sabi niya at saka ako tinalikuran at pumasok sa loob ng mansion niya. Saan nga ba ito?
Tatanungin ko sana siya kaya lang, tinalikuran niya ako. Bwiset! Hindi ba siya marunong tumanggap ng bisita?
"Ano pang ginagawa mo diyan? Pumasok ka na bago pa magbago ang isip ko at ipatapon kita." nakasimangot niyang sabi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.
A-ano daw?! Ipapatapon niya ako?! Ha! Siya ang ipapatapon ko kapag napuno ako! Pero dahil alam ko naman na hindi ko iyon magagawa, sinundan ko na siya. Wala naman akong ibang magagawa eh. At pagkapasok namin, wow! Parang palasyo sa ganda. At talagang hindi niya pa ako tutulungan sa mga bagahe ko?! How dare he!
I thought gentleman ang mga Pilipino?! Gwapo nga pero wala namang manners. Tch.