“I love my husband, Dela Riva,” lakas-loob kong pagsisinungaling bago ko itinaas ang aking noo. “Kahit ilang beses mo pang banggitin na gusto mong kumabit ay wala kang mapapala sa akin. Maghanap ka na lang ng iba na malaya pa,” pagpapatuloy ko habang pinipilit na maging mahinahon. Itong sikreto na lamang na ito ang makakapagsalba sa akin laban sa kaniya, kaya kahit ano ang mangyari ay hinding-hindi ko sasabihin sa lahat na walang namamagitan sa amin ni Blade. Napipilan naman siya, tila sumama muli ang kaniyang pakiramdam nang paulit-ulit kong banggitin na mayroon na akong mahal na iba. Sumuko na rin siya sa pamimilit niya na maging kabit ko. Lalo pang lumakas ang pagkalampag ng ilang mga lalaki sa gate, galit na galit ang mga itong tinatawag ang aking pangalan, itinatanong kung nasaan a

