“WALA na kayo, Dela Riva.” Blade smirked before he walked towards our position. “Kaya okay lang naman siguro na mag-entertain si Zemira ng iba,” salaysay niya pa kaya lalo akong inilapit ni Ryu sa kaniya, ngunit nagulat ako pati na ang aking mga kaibigan sa sumunod na ginawa ni Blade. Marahan niyang pinaghiwalay ang magkasiklop na kamay namin ni Ryu bago niya ako hinila papalapit sa kaniyang pwesto. Para namang napahiya si Ryu at mabilis siyang napatingin sa akin, tila gusto niyang i-explain ko kung ano ang nangyayari. Hinuli ko naman kaagad ang paningin ni Blade at inutusan siyang bitiwan ang aking kamay na hindi naman nito sinunod. Tinapunan kami mga mapanuring mata ng mga customer ng Villa-Riva, lalo na ng mga taong nakakikilala sa aming dalawa ni Ryu. “Pump—Zemira, kakahiwalay lang

