MATAPOS naming pumasok ni Adeena sa loob ng bahay ay pinutakti kami ng sangkaterbang tanong ng aming mga kaibigan. Habang nakatayo ako sa kanilang harapan ay nangungulit ang mga ito at namimilit na sabihin kung ano ang pinag-usapan nina Adi at Ryu kanina. Mabuti na lamang ay nandito kami sa salas, samantalang nasa kwarto naman si Blade na ang sabi ni Cyllene ay inaasikaso raw si Hera na kagigising lang dahil kung maririnig sila ni Blade ay tiyak na hindi nito magugustuhan ang pinag-uusapan namin. “Hiwalay na? Kailan pa raw?” usiserang tanong ni Masien na gumana ang pagiging tsimosa. “Putragis! Naunahan mo ako sa balita, Adeena,” pagpapatuloy niya habang nagrereklamo. Pasalampak itong umupo sa couch, sa tabi ni Cyllene kaya umaray ang aming kaibigan. Kaagad naman siyang humingi ng paumanh

