“HERA Leigh.” I whispered my baby’s name while I was looking at her. Nakahiga ako sa kama habang pinagmamasdan ko ang natutulog kong anak. I was sobbing softly, so I wouldn’t wake her up. Nag-uumapaw ang aking tuwa noong una ko siyang makita at makarga. Para bang gumaan ang lahat at nawala ang mga agam-agam sa aking dibdib. She’s like a magic that erased all my pain, worries, and negative thoughts. Kung noong hindi pa siya lumalabas sa mundo ay inakala kong hindi ko kakayanin ng wala si Ryu sa aking tabi, ngunit ngayong nang masilayan ko siya ay nagkamali ako. Alang-ala sa aking anak ay kakayanin ko ang lahat ng pasakit na dala ng mundo. Handa rin akong ipalasap sa kaniya ang pagmamahal na mayroon ako at sisikapin kong bigyan siya ng isang magandang buhay. “Mama is sorry, peanut,” pag

