NAGKALAT ang dugo ng lalaking namatay sa loob ng aming bahay. Hindi ko nga ito magawang tingnan dahil naging masyadong marahas ang kaniyang pagkamatay. Tinatakpan ko rin ang mga mata ng aking anak, dahilan upang tumawa nang malakas si Ashley sa harap naming tatlo. Inutusan niya rin ang kaniyang mga tauhan na gayahin siya kaya napuno ng nakakakilabot na halakhak ang buong bahay namin ni Ryu. She was crazy. Wala na siyang kaayos-ayos sa katawan, hindi kagaya noon na makikita ang pagiging sopistikada. Kulay itim din ang kaniyang suot na damit, terno sa kaniyang itim na make-up at lipstick. “When will you stop this childish thing? Ang bata mo pa, Ashley. Napakarami pang lalaki riyan, hindi lang si Ryu ang mahahanap mo.” I tried to advise and to persude her, but I didn’t succeed. She just rai

