UMILING ako at hindi ko siya pinakinggan. Para saan pa? Matatanggal ba niyon 'yong trauma na iniwan niya sa akin? Mawawala ba nang parang bula ang sakit dahil sa sinabi niyang ginawa niya 'yon para sa akin? Kung sinabi niya naman iyon upang paniwalain ako at mapapayag na makita at mahawakan niyang muli si Hera ay nagkakamali siya, dahil sa halip na maawa ako ay lalo pang nadagdagan ang poot ko laban sa kaniya. “Take a seat on the couch,” Blade told me when we finally arrived inside our house. Nakita naman namin kaagad si Hera na tahimik na naglalaro sa sahig, ngunit nang mapansin niya kami ay mabilis siyang nagpakarga kay Blade. Blade and I walked towards our daughter who was now asking for her Papa to carry her. Pinaupo niya naman muna ako bago niya kinarga ang aming anak. My tears fe

