I panicked and I hysterically screamed for help while I was checking him and our daughter. Hindi ko talaga alam ang gagawin lalo na nang mawalan na siya ng malay matapos niya kaming yakapin ng aming anak. I was sobbing while I was still hugging him. Nagpalingon-lingon ako sa aming paligid, ngunit nawala na ang lahat nga mga tao rito kanina. Puro mga tunog na lamang ng mga palitan ng putok ng baril ang naririnig namin, dahilan upang lumakas ang pag-iyak ni Hera sa aking tabi. Humapdi ang aking puso sa pinaghalong takot at awa sa aking mag-ama. Iniisip ko kung paano kami makakalabas dito ng ligtas, at kung paano ko sila madadala sa hospital na ako lamang mag-isa ang kasama. “H-Hera, s-sabi ni Papa, huwag kang umiyak.” My voice broke as I struggled on my position. Nakaupo kasi ako sa sahig

