Kabanata 72

2035 Words

NAPIGILAN ko man siya sa kaniyang pag-alis ngunit pinangilagan niya naman kaming mag-ina. Hindi na siya pumupunta sa bahay, halata na iniiwasan niya talaga kaming dalawa ni Hera. Ilang araw na siyang ganito, kapag ako naman ang napunta sa kaniya ay hindi ko naman siya makausap nang matino. Nangangako lang siya sa akin palagi na hindi na siya babalik ng Japan. “Mama, Ninong Yu?” tanong ng aking anak na kinukulit na naman ako. Sa isang araw yata ay mahigit dalawang dosena niyang binabanggit ang pangalan ng kaniyang ama. Nasanay na kasi siya na si Ryu ang kasama niya nang buong maghapon, naninibago tuloy siya ngayong hindi siya nito dinadalaw. Nahihirapan na ako sa aming sitwasyon, pero sa tuwing maiisip ko na mas nasasaktan siya at mas nahihirapan ay naiintindihan ko siya. Ayaw niya lang k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD