HINDI kaagad bumaba ang kaniyang lagnat kaya habang nagpapagaling siya sa kaniyang bahay ay paulit-ulit ko namang mi-ne-memorize ang mga linya na balak kong sabihin sa kaniya. “Pwede mo nang tawaging anak si Hera,” I stated in front of the mirror, but I just scratched my head, thinking it’s a little bit cheesy. Kasalukuyan akong nasa loob ng banyo habang nag-iisip ng iba pang kataga, pero katulad ng nauna ay naasiwa lang ako sa aking pinagsasabi. “Bakit ba nag-aalala pa ako? Pwede ko namang sabihin na, magpakaama ka na kay Hera, tapos kailangan ko ng sustento, buwan-buwan,” naiinis kong sermon sa aking sarili bago lumayo sa harap ng salamin. Suminghap din ako ng maraming hangin pagkatapos ay marahan kong hinihilot ang aking dibdib na bumibigat na naman. Sa pagbibilang ko ng araw ay til

