CHAPTER 43 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) Suminghap ako. Buong lakas kong tinanggal ang kamay niyang nakabigti sa aking leeg. Nang matanggal ko ang kamay niya ay bigla niyang hinablot ang kurdon ng telepono. "Sasama ka sa akin ngayon o magkagulo tayo." Mabigat ang pagkakasabi no'n. Alam kong totohanin niya. Gusto kong sundan si Lance sa kwarto para mabilis na i-lock iyon. Ayaw kong madawit sila kung sakali mang gagawa ng hindi maganda si Tovi. Gusto kong ligtas sila kung sakaling magkagulo na. Ngunit malakas ang isang bisig ni Tovi na nakayakap sa akin. "Hindi! Kahit anong gawin mo sa akin, hinding-hindi ako sasama sa iyo. Hindi kita mahal. Tapos na tayo, Tovi. Palayain mo na ako." Pilit kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin. Hanggang may bigla siyang

