CHAPTER 14

1889 Words
“HI SIR CLOUD!” nakangiting bati ni Jass kay Ulap nang dumating sa Bar ang binata. Nagmamadali pa ang dalaga na binitawan ang bote ng alak at lumapit dito habang nakaupo na sa high chair na nasa counter bar. Ngumiti rin nang matamis si Ulap sa dalaga. “Hello babe!” anito. Mas lalo namang lumapad ang ngiti sa mga labi ni Jass at tila kaunti na lamang ay maglulupasay na ito dahil sa kilig nang tawagin niya ito ng babe. “Nako, si sir Cloud talaga...” anito at pasimpleng inipit sa likod ng tainga nito ang buhok bagaman maayos ang pagkakatali niyon. “How are you Jass? You look... beautiful today.” Bahagyang hinampas ng dalaga ang ibabaw ng counter bar at kinagat ang pang-ilalim nitong labi upang pigilan ang kilig na nararamdaman nito. Ngunit hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Ulap na siyang ikinangiti rin nito lalo. Girls are always girls. Madaling pakiligin. “Sir Cloud naman... e, araw-araw naman akong maganda e.” Nagpa-cute pa ito sa kaniya. Tumawa ng pagak si Ulap. “Oh, I’m sorry. I mean, you look... more... beautiful today.” “Thank you, Sir Cloud.” Anito. “Bakit po pala ngayon lang kayo nagpunta rito?” tanong pa nito mayamaya. Tumikhim ito at bahagyang inilibot ang paningin sa buong bar. Pagkatapos ng usapan nila ni Kidlat kagabi, hindi na rin nawala sa isipan ng binata ang mga sinabi ng kakambal. Naging curious din ito tungkol sa babaeng sinasabi ni Kidlat. Kaya kanina, nang magising ito, pagkatapos nitong kumain ng almusal ay kaagad itong bumaba sa Bar para makita ang Psyche na sinasabi ni Kidlat. “Um, busy. You know, maraming trabahong dapat unahin.” Kibit-balikat na saad nito. “Kaya po pala. Si Sir Kidlat lang ang madalas kong makita rito. At nabalitaan ko ngang nag-invest na pala siya rito sa Casa.” Tumango naman ito. “Yeah. That’s what I heard too.” “Gusto n’yo po pala ng maiinom?” “Um, black coffee is fine.” Ngumiti ng malapad si Jass at bahagyang tinampal ang isang kamay ni Ulap na nasa ibabaw ng counter. “Kayo po talaga sir, palabiro kayo. Wala po kaming kape rito sa bar.” “Is that so? Akala ko kasi nag-upgrade na si Ninong Felipe at ginawa na rin niyang coffee shop ang bar niya.” Bairo ding saad nito. “Okay then, give me martini, dry.” “Right away po Sir Cloud.” Kaagad din itong kumilos at nagbukas ng isang bote ng alak na hinihingi ng binata. “Jass,” “Yes po Sir Cloud?” “Can I ask you something?” “Ano po ’yon?” tanong nito at inilapag sa tapat nito ang baso na may lamang alak. “Did you know... Psyche?” tanong nito. Bigla namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Jass nang marinig ang pangalan ni Psyche. Napasimangot itong bigla. “Why?” tanong nito habang nakatitig sa mukha ng dalaga. “Bakit n’yo po naitanong? Kilala n’yo po ba si Psyche?” balik na tanong din nito. “Well, I didn’t know her actually,” sabi nito at kinuha ang baso at inisang lagok ang laman niyon. “Kidlat told me last night that she works here.” Bumuntong-hininga naman si Jass at umirap sa hangin. “Nako, Sir Cloud... huwag n’yo na pong alamin at kilalanin ang Psyche na ’yon. Sigurado po akong pati kayo ay lalandiin niya para mahuthutan ng pera. Kagaya sa ginagawa niya kay Don Felipe pati na rin kay Sir Arwin. Kaya nga po binabantayan namin ni Ma’am Sheila ang bawat galaw ng babaeng ’yon e.” Pagkukuwento nito. Mas lalong nangunot ang noo ng binata dahil sa kaniyang mga nalaman. So that means, tama nga ang sinasabi ni Kidlat? Na piniperahan ng Psyche na ’yon ang Ninong Felipe nila? “Really?” Tumango naman si Jass. “Opo Sir Cloud. Talagang malandi po ang Psyche na ’yon. Kahit nga po ibang guests namin dito nilalandi rin ng babaeng ’yon para lang makakuha siya ng malaking tip.” Umirap pa itong muli at umiling. Bumuntong-hininga rin pagkuwa’y. “Grabe ka talaga, Jass!” Saad naman ni Xia nang pagkalapit nito sa counter ay saktong narinig nito ang paninira sa kaibigan nito. “Huwag ka ng makialam sa usapan namin, Xia. Gawin mo na lang ang trabaho mo.” Malditang saad pa nito. “And who are you?” tanong ni Ulap sa dalagang bagong dating lang. “Xia po sir. At kaibigan ko po ang babaeng sinisiraan ni Jass sa inyo.” Anito. “Huwag kayong maniwala sa kaniya Sir Cloud... of course ipagtatanggol niya si Psyche kasi magkaibigan sila. Pero kung tatanungin mo rin po ang ibang empleyado rito sa Casa, malamang at sigurado akong pareho lang ang sagot namin.” Napailing na lamang si Xia kasabay nang pagbuntong-hininga nito nang malalim. “Kahit kailan talaga ’yang pag-uugali mo Jass. Hindi talaga makukumpleto ang araw mo kung hindi mo masisira ang pagkatao ni Psyche.” Napatitig na lamang si Ulap sa dalawang babae na nagkasagutan na. Ewan niya kung sino sa dalawa ang dapat nitong paniwalaan. Or maybe, ito na mismo ang humarap sa Psyche na ’yon upang ito na mismo ang makakilatis sa babae. Pagkatapos nitong bayaran ang alak na ininom nito, hindi na ito nagpaalam sa dalawa at kaagad itong naglakad palabas ng bar. ABALA AKO sa ginagawang paglilinis sa mga boteng naka-display sa back counter nang makarinig naman ako ng boses mula sa likuran ko. “Excuse me,” “Yes po sir?” nakangiti pang saad ko at hinarap ang customer. Pero bigla ring nangunot ang noo ko nang makita ko ang mukha ng lalaki. Naka-clean cut ang buhok nito, walang balbas o bigote ang mukha at malapad pa ang pagkakangiti sa akin. Pero nang mapatitig ako sa mga mata nito, oh, I knew him. I think I knew him. Those chocolate brown eyes. It’s him. Hindi ko lang inaasahan na sa pagkikita namin ngayong araw na ito ay ganitong ayos niya ang mabubungaran ko. Tama nga ako... guwapo nga talaga siya kapag wala ng balbas at bigote sa mukha niya. Ugh! Gaano man siya kaguwapo, pero naiinis pa rin ako sa kaniya. Dahil sa ginawa niyang pagnanakaw sa halik ko kahapon. Wala sa sariling bumuntong-hininga ako nang malalim at tinaasan ko siya ng kilay. “Ano na naman ang kailangan mo sa akin?” seryosong tanong ko sa kaniya. “What?” tanong niya rin sa akin. Aba, ano ito... feeling inosente pagkatapos ng ginawa niya sa akin kahapon? Pasalamat siya at nasa Casa kami ngayon. Dahil kung hindi, makakatikim na naman siya ng malakas na sampal mula sa akin. “Do I know you, miss?” At ngayon magmamaang-maangan siyang hindi niya ako kilala? Samantalang kahapon, kung husguhan niya ulit ang buong pagkatao ko?! Humugot ako nang malalim na paghinga ulit ’tsaka ko iyon pinakawalan sa ere. Saglit pa akong pumikit bago siya muling pinakatitigan. Walang-hiya naman kasi! Gusto kong magalit sa kaniya, pero bakit traydor naman itong puso ko? “Please lang sir. Kung nandito ka ulit para insultuhin lang ako at ang pagkatao ko... puwede bang—” “What are you talking about miss?” Napahinto ako sa pagsasalita ko. Teka, bakit parang soft ata ang tono ng pananalita niya ngayon? Parang hindi siya galit sa akin? “Psyche,” Napalingon naman ako nang tawagin ako ni Cj. “Tequila Sunrise, two.” Saad pa ni Cj. “Okay,” sabi ko. Nang tingnan ko ulit siya, nakatitig na siya sa akin ng mataman. Mayamaya ay nagulat ako nang bigla siyang ngumiti ng mas malapad. “Oh, so you are Psyche?!” aniya. Hindi naman ako sumagot. Akma na lamang sana akong tatalikod para gawin na ang order ng customer, pero muli naman siyang nagsalita. “Hey, can we talk for a sec?” “Wala tayong dapat—” “I’m Ulap.” Saad niya at inilahad sa akin ang kaniyang kamay. Ano raw? Ulap? Ulap ang pangalan niya? Hindi ba’t siya si sir sungit version 2.0? “Ulap, hijo!” Napalingon naman ako kay Don Felipe na papalapit na rin sa puwesto nitong Ulap daw. Teka nga, medyo naguguluhan ako ngayon. “Ninong Felipe, how are you?” nakangiting tanong niya nang tumayo siya sa puwesto niya at naglakad upang salubungin ang Don. Nagyakap pa ang dalawa. “How are you hijo? Ngayon ka lang napasyal dito sa Casa.” “Medyo busy lang po, ninong.” “Busy sa trabaho o busy sa babae?” pabirong saad ng Don. Tumawa naman ng pagak ang huli. “Both.” “Well, hindi mawawala ’yan sa atin. We need that in our lives hijo.” “Exactlly ninong.” “Oh, Psyche hija...” Bigla naman akong ngumiti sa Don Felipe nang balingan ako nito ng tingin. Tumingin din siya sa akin. “Good afternoon po Don Felipe.” Bati ko rito. “Good afternoon too, hija.” Anito. “By the way, I want you to meet, Guilherme. Kapatid siya ni Kidlat.” Pagpapakilala nito sa akin sa lalaking nasa tabi nito. Kapatid? Kakambal? So, hindi siya si sir sungit? “So, she’s Psyche?” “Yes hijo. My favorite employee here in the Casa.” “Mmm. Really?” saad nito at pinakatitigan ako ng mataman. God, nakakailang naman ang mga titig nito sa akin. Pero in fairness... mukhang mabait ito kaysa kay sir sungit. At ngayon ko lang napansin na magkaiba sila ni sir sungit kung tumitig sa akin. Ang titig kasi ni sir sungit parang kinakain ako ng buhay. “Nice meeting you Favorite employee.” Nang lumapit siya ulit sa counter at inilahad uli sa akin ang kamay niya. Ayoko namang maging bastos dito, lalo na sa Don Felipe, kaya napilitan akong tanggapin ang pakikipagkamay nito sa akin. Tipid lang akong ngumiti ’tsaka tumalikod na at ginawa ko ang aking trabaho. Naririnig ko naman silang nag-uusap, hanggang sa inaya ng Don Felipe ang kakambal ni sir sungit papunta sa isang bakanteng lamesa. “SIYA PO PALA SI PSYCHE?!” tanong ni Ulap sa matandang Felipe nang matapos nitong lingunin ang dalaga na ngayon ay abala sa pag-aasikaso ng customer sa counter. Nakapuwesto na ang dalawa sa isang lamesa ilang hakbang ang layo mula sa counter. Ngumiti ang Don at nilingon din ang dalaga. “Yeah she is,” sabi nito. “Alam mo bang sobrang bait ng batang ’yan, hijo? Masipag pa kaya nga gustong-gusto ko siya.” Napalingon namang bigla si Ulap sa matanda nang marinig ang sinabi nito. “Gusto?” tanong nito. “You liked her?” Bahagya namang tumawa ang Don. “Of course.” Walang pagdadalawang-isip na sagot nito. “Sino ba ang hindi magkakagusto sa batang ’yan hijo? Look at her, bukod sa maganda na, mabait pa. Matulungin din.” “So Giulio was right?” “About what?” “That she’s your girlfriend.” Sinabayan pa nito ng tawa ang sinabi sa Don. Tumawa rin ang matanda. “Kahit sino gugustohing maging nobya ang batang ’yan hijo.” Sagot lamang nito ’tsaka muling tinapunan ng tingin si Psyche. Napatitig na lamang si Ulap sa nakangiting mukha ng Don habang nakatitig pa rin ito sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD