KANINA pa humahaba ang leeg ko at panay ang lingon ko sa kaliwa’t kanan na bahagi ng garden, pero hindi ko naman makita si Kidlat. Kanina ko pa siya hinahanap at gustong makausap kasi sigurado akong narinig niya ang announcement ng itay kanina, pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. “Psyche!” Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Natalija. Nakita ko naman itong nagmamadaling lumapit sa akin. “Natalija,” sabi ko at sinalubong na rin ito. “Hoy bes, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kanina. Grabe, anak ka pala ni Don Felipe! Bakit hindi mo sinabi sa akin?” saad kaagad nito nang makalapit na ito sa akin. Ngumiti ako kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang malalim na buntong-hininga. “Mahabang kwento, Natalija.” Ani ko. “Handa akong makinig kahit ga

