CHAPTER 26

2411 Words
“HOY! AYOS ka lang ba?” untag na tanong sa akin ni Natalija habang nasa gazebo ako. Nakaupo sa isang single couch at nakatulala sa kawalan. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere pagkuwa’y tiningnan ko ito. “May iniisip lang ako,” tipid na sabi ko. Nangunot naman ang noo nito. “Problema? May problema ka ba? No’ng isang araw ko pa kasi napapansin na parang laging malalim ang iniisip mo. Lagi kitang nahuhuling nakatulala sa kawalan, kagaya na lamang ngayon. Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka naman pala nakikinig.” Mahabang saad nito at nagbuntong-hininga rin nang malalim. Pabagsak na sumandal ako sa upuan ’tsaka muling bumuntong-hininga. Tatlong araw na simula nang mangyari na naman ang halik sa pagitan namin ni Sir Kidlat doon sa kusina. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang nangyari iyon. Paulit-ulit kong naiisip ’yon. Maging ang malambot at mainit niyang mga labi, pakiramdam ko ay nakalapat pa rin mga labi ko. Oh, holy lordy! Heto nga at nag-iinit na naman ang buong mukha ko ngayon. Mabilis kong ipinilig ang akong ulo upang alisin sa isipan ko ang bagay na iyon. Muli akong napabuntong-hininga nang malalim. Nasaan na kaya siya ngayon? Tatlong araw na rin kasing hindi ko siya nakikita rito sa mansion. Kinabukasan kasi pagkatapos no’ng tagpong iyon sa kusina, tinanong ko ang Don kung bakit hindi ko makita si sir sungit, ang sabi naman sa akin ng Don Felipe ay nagpaalam daw at may pupuntahang importante. Kahapon ko pa rin hinihintay na bumalik siya, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makita ang anino niya. “Ayos ka lang ba talaga, Psyche?” tanong ulit sa akin ni Natalija. Bakas sa boses nito ang pag-aalala para sa akin. “Kung... kung anuman ’yang problemang iniisip mo ngayon, puwede mong sabihin sa akin. Baka makatulong ako. Hindi maganda na nagkikimkim tayo ng hindi magandang nararamdaman natin.” Tipid naman akong ngumiti nang tapunan ko ulit ito ng tingin. “Ayos lang ako, Natalija,” sabi ko. “Huwag mo na akong pansinin. Ganito lang talaga ako kapag may iniisip ako kahit... kahit hindi naman ganoon ka-importante.” Pagdadahilan ko na lamang. Ayoko naman kasing sabihin dito na iniisip ko ang halik na ginawa sa akin ni Sir Kidlat. Nakakahiya at baka iba pa ang isipin nito. “Sure ka?” Tumango ako. “Sure ako. Okay lang ako, Natalija. Salamat sa concern mo.” Ngumiti pa akong muli. “Okay. Pero, kung may problema ka talaga... magsabi ka lang sa akin huh? Willing naman akong makinig.” “Salamat,” sabi ko. “Psyche!” Sabay pa kaming napalingon ni Natalija sa may dulo ng swimming pool area nang marinig namin mula roon ang boses ni Sir Arwin. Nakangiti itong naglalakad palapit sa puwesto namin. “Nandito ka lang pala.” Anito. Kaagad naman akong tumayo sa puwesto ko bago pa ito makalapit sa amin. “Good afternoon po Sir Awrin.” Bati ko rito. “Good afternoon po sir.” Bati rin ni Natalija. “Good afternoon. Hi Natalija.” Ngumiti pa ito. “May kailangan po ba kayo sa akin sir?” tanong ko. “Well, um, sana. Kung hindi ka busy?!” “Hindi naman po. Nagpapahinga naman ang lolo mo e.” Sagot ko. “Gusto ko sanang magpasama sa ’yo.” “Magpasama po? Saan sir?” “Sa mall. May gusto lang sana akong bilhin. But, I want you to come with me if okay lang sa ’yo?” Saglit akong napatingin kay Natalija bago muling tinapunan ng tingin si Sir Arwin. “Um, magpapaalam po muna ako kay Don—” “Let me do that. Ako na ang magsasabi kay lolo.” Anito hindi pa man ako tapos sa gusto kong sabihin. “I’m sure papayag siya kaya... wait for me here, okay?” Hindi pa man ako nakakasagot, kaagad itong tumalikod at naglakad palayo. Napasunod na lamang ang tingin namin ni Natalija hanggang sa makapasok na ito sa kabahayan. “Alam mo, tingin ko may gusto sa ’yo si Sir Arwin,” sabi naman ni Natalija. Bigla akong napatingin dito. Nakangiti na pala itong nakatitig sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko. Itatanggi ko na sana iyon kahit pa inamin na sa akin ni Sir Awrin no’ng nakaraan na may gusto ito sa akin... “Halata sa mga titig niya sa ’yo. Naku, iba talaga ang alindog mo bes.” Mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti nito sa akin. Natawa ako ng pagak. “Alindog ka riyan!” napailing pa ako. “Bakit, hindi ba? I mean, halata naman. At isa pa, huwag mong sabihin sa akin na hindi pa nagtapat sa ’yo si Sir Arwin na gusto ka niya e, sa klase ng mga titig niya sa ’yo... masiyadong bulgar. Ipinapangalandakan ng mga mata; mga titig niya na gustong-gusto ka niya.” Muli akong napailing at tumalikod upang itago ang hitsura ko. Nag-uumpisa na naman kasing mag-init ang mukha ko kaya sigurado akong makikita nito ang pamumula ng mukha ko. “Grabe ka naman sa gustong-gusto,” sabi ko na lang. “Naku, naku, naku, Psyche. Ang swerte mo naman at isang Arwin Da Silva ang nagkagusto sa ’yo. Pero siyempre... si Sir Kidlat pa rin ang bet ko para sa ’yo. Mas bagay kasi kayo e.” Muling nagsalubong ang mga kilay ko nang lingunin ko ito. “Ano’ng mas bagay?” “Haynaku,” nagbuntong-hininga ito at pinamaywangan ako. “Huwag mo na ngang ulit-ulitin ang mga sinasabi ko sa ’yo amiga. Halata naman sa mukha mo na abot hanggang langit ang pagkagusto mo kay Sir Kidlat.” “H—” “Oops! Huwag ka ng mag-deny,” sabi nito dahilan upang hindi ko maituloy ang pagsasalita ko. “Nakita ko kayo no’ng isa gabi sa kusina. Naghahalikan.” Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapatitig ako ritong muli. At ang mukha ko, panigurado akong biglang namula na kasing pula na hinog na kamatis. Ramdam ko ang labis na pag-iinit doon. Idagdag pa ang nakakaloko at nanunudyong ngiti sa akin ni Natalija. What? Nakita nito kami ni Sir Kidlat? Naroon ito sa kusina no’ng gabing iyon? “P-pa-paanong—” hindi ko magawang magsalita nang diretso. Parang biglang nagkabuhol-buhol ang dila ko. Ang kabog naman ng puso ko ay biglang bumilis. “Asus! Huwag kang mag-alala bes, hindi ko naman ipagsasabi. Dalawa na ang sikreto natin.” Anito. “P-paano mo nalaman?” lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. “Of course... kasi nandoon ako sa kusina.” Sagot naman nito. Mas lalong nangunot ang noo ko. Halos mag-isang linya na nga ang mga kilay ko habang nakatitig ako rito. “Alam mo ba,” sabi nito at naglakad palapit sa akin. Yumakap pa ito sa braso ko. Ako naman ay hindi magawang kumilos sa puwesto ko. Natuod na ata ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko nga rin magawang kumurap habang nakatitig sa mukha ni Natalija. “Kilig na kilig ako no’ng gabing ’yon. Sa sobrang kilig ko, gusto ko nang tumili. Kaso, siyempre ayoko naman sirain ang moment ninyong dalawa... kaya pinigilan ko ang sarili ko. Ang akala ko nga rin ay mauudlot pa ang kissing scene na ’yon nang tawagin ka ni Don Felipe. Pero mabuti na lang at hindi nagpapigil si Sir Kidlat at—” “Teka, teka, teka,” pigil na sabi ko rito. “S-seryoso? Nakita mo ang mga nangyari no’ng gabing ’yon?” napalunok pa ako ng laway ko. Bigla akong tinablan ng hiya. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Natalija habang nakatitig pa rin sa akin. “You see, you let me kiss you again. Hindi ba’t iyon ang sinabi ni Sir Kidlat sa ’yo?” tanong pa nito. Tila bigla namang naging jelly ace ang mga tuhod ko dahil sa sinabi ni Natalija. Mabuti na lang at nakayakap pa ito sa braso ko kaya nakakuha ako ng suporta mula rito. Dahil kung hindi, malamang na bigla akong bumagsak sa damuhan. Oh, damn! Totoo ngang nasaksihan ni Natalija ang mga nangyari no’ng isang gabi?! Kasi kung wala ito roon sa kusina, sino naman ang magsasabi rito tungkol doon? Alangan namang si sir sungit ang magkwento kay Natalija, hindi ba? Wala sa sariling nakagat ko na lamang ang pang-ilalim kong labi at ngiwing napangiti bago nagbaba ng mukha. “Ano bes, masarap ba ang halik ni Sir Kidlat?” “Natalija,” sambit ko na lamang nang mas lalong mag-init ang buong mukha ko. Tumawa naman ito. “Nagtatanong lang ako kung masarap ba o ano?!” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Nagbuntong-hininga ako kasabay no’ng pagtanggal ko ng mga kamay nitong nakayakap sa braso ko. Inismiran ko rin ito. Hindi naman ako galit dahil sa mga sinabi nito, nahihiya lang ako. Nahihiya ako sa mga nalaman nito. Siyempre, hindi ko naman boyfriend si Sir Kidlat, tapos nagpahalik pa ako. Ano na lamang ang iisipin ni Natalija sa akin? Na cheap ako? Easy to get? “Naku, naku, naku Psyche. Ang haba talaga ng hair mo amiga.” Panunukso pa nito. “Kung sa akin nangyari ’yon... kung hindi lang ako makukurot ni lola sa singit ko, naku, ipagsisigawan ko talaga na hinalikan ako ni Sir Kidlat. Diyos ko, Sir Kidlat ’yon ’no. Pogi, macho, kahit masungit siya... sigurado akong pinagpawisan din ang singit mo. Tama ako hindi ba?” “Zzzttt! Huwag ka ngang maingay riyan, Natalija!” saway ko rito. “Baka may makarinig sa ’yo.” “E ano naman? Totoo naman ang sinasabi ko. Na hinalikan ka ni Sir Kid—” Hindi na nito natapos ang pagsasalita nang bigla kong takpan ng palad ko ang bibig nito. “Ang ingay mo!” naiinis na saad ko. Naku naman ang babaeng ito, napakaingay! Mayamaya, nang bumukas ang gate, sabay kaming napatingin doon ni Natalija. And there, I saw him again. Bumaba siya mula sa backseat ng itim na sasakyan niya. Oh, my heart! Pakiramdam ko biglang nag-slow motion ang buong paligid niya. Ang puso ko, parang nag-slow motion din sa pagtibok. Oh, sweet Jesus! Tinanggal niya ang suot niyang sunglasses. Damnit! Bakit ba kasi nakapaguwapo ng lalaking ito? “Ehemmm!” Bigla akong napalingon kay Natalija nang marinig ko ang boses nito, nang maramdaman ko rin ang pagsundot nito sa tagiliran ko. “Huwag masiyadong pahalata amiga na namiss mo siya ng sobra. At ’yang bibig mo... kung hindi papasukan ng bubuyog, tutulo naman ang laway mo.” Bigla akong napaismid kasabay niyon ang pagtikom ng bibig ko. “Act normal. Huwag pahalata na kinikilig ka sa labidabs mo.” Saad pa nito at biglang naglakad palayo sa akin. “Hi po Sir Kidlat, kumusta po ang biyahe ninyo?” Nakatanaw ako kay Natalija habang papalapit ito kay Sir Kidlat. Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila. Pero nakita kong may ipinakuha si sir sungit kay Natalija mula sa sasakyan niya. Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa direksyon ko. Kaagad naman akong nagbawi ng tingin sa kaniya. “Oh, Psyche. Ano ang nangyari sa ’yo? Kanina lang iniisip mo siya at gustong-gusto mo na siyang makita. Ngayon namang narito na siya, nahihiya ka ng tingnan siya?” kausap ko sa sarili ko habang nakatuon sa damuhan ang paningin ko. “Tingnan mo na siya. Baka mamaya niyan... mawala na naman siya ng ilang araw. Ikaw rin.” Susol ko pa sa sarili ko. Huminga ako nang malalim ’tsaka dahan-dahang nag-angat ng mukha. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapag-angat ng mukha ay nakita ko na ang dalawang pares ng itim na sapatos na nasa harapan ko. Heto na naman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nilakasan ko ang aking loob. Hanggang sa magtama na ang mga paningin namin. Okay, seryoso pa rin ang mukha niya. Pero hindi na magkasalubong ang mga kilay niya. Napalunok ako ulit ng laway ko. Oh, puso. Relax ka lang muna riyan! Kumalma ka. Baka hindi mo mapigilan ang sarili mo at bigla mo siyang sunggaban ng yakap! “Hi.” Hi? Binati niya ako? Siya ulit ang unang kumausap sa akin? Teka, ano ang isasagot ko sa Hi niya? Hello ba? Annyeonghaseyo? Ni hao? Hola? Mabuhay, welcome sa puso ko?! Hay, nakakabaliw naman itong nararamdaman ko ngayon. Nagmumukha na akong engot dito. “U-um,” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. At dahil hindi ko na rin matagalan ang mga titig niya sa akin, bigla akong napatungo. At doon ko nakita ang pink paper bag na bitbit niya. Mas lalong dumoble ang pagkabog ng puso ko. God, ano ’yan? Pasalubong? Para sa akin ba ’yan? Okay Psyche, tama na ang nagmumukha kang engot ngayon. Huwag ka ng umakyat sa level ng pag-a-assume na bibigyan ka niya ng pasalubong. Bakit, close ba kayo? “Psyche,” Hindi ko naituloy ang pagbukas ng bibig ko nang marinig ko ulit ang boses ni Sir Arwin. Nakita ko itong naglalakad na palapit sa amin ni Sir Kidlat. “Hey, kuya. Nandito ka na pala.” Anito at hinawakan pa sa balikat si Sir Kidlat. “Yeah. Kararating ko lang.” “Where have you been by the way?” Bumuntong-hininga siya. “France,” “Really?” Tumango lang naman siya pagkuwa’y tinapunan ako ulit ng tingin. Nang tumingin din ako kay Sir Arwin, tiningnan din ako nito. “Let’s go Psyche.” Anito. “Where are you going?” tanong ni sir sungit. “Sa mall. Isasama ko si Psyche. Magde-date kami.” Nakangiti pang saad nito at tumabi sa akin. “Let’s go. Nagpaalam na ako kay lolo.” Tumango na lang ako at tipid na ngumiti kahit gusto ko sanang sabihin na hindi kami magde-date ni Sir Arwin. Pero naalala kong wala naman siyang pakialam kung mag-date man kami o ano! Hindi nga kasi kami friend. Nang tingnan ko ulit ang paper bag na hawak ni Sir Kidlat, itinago na niya iyon sa likod niya. “Mauuna na kami kuya. Magpahinga ka na roon.” “Yeah.” At wala na akong nagawa na’ng hawakan ni Sir Arwin ang braso ko at iginiya na ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kotse nitong nasa garahe. Pinagbuksan ako nito ng pinto sa frontseat bago ito umikot sa drivers seat. Nang tingnan ko ulit ang kinaroroonan ni Sir Kidlat, wala na siya roon. Ewan ko ba, pero parang bigla akong nakadama ng lungkot sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD