Sumakit ang ulo ni Charlie sa eksena kaninang umaga sa kanilang bahay. Imbes kasi na maayos na ang gulong ginawa ni Trixie ay mas lalo pa nitong pinalala ang sitwasyon. Ang lukaret na babae, nagtapat ng undying love nito para sa kaniya sa harap ng kaniyang mga magulang. Kaya naman ang mga magulang niya ay nagagalak sa tuwa dahil doon. ‘Naku, naku Trixie! Makukurot na talaga kita sa singit mong haliparot kang babae ka eh!’ nanggigigil na saad niya sa kaniyang sarili. “Oh mamsh, inom ka muna ng kape para ma-relax ka,” sabi ni Elle sabay lapag nito ng kape sa kaniyang harapan. “Salamat mamsh,” sagot niya rito saka humigop ng kapeng dala nito. “Masyado kang stress this past few days, bakit ba? May problema?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya. “Hayst! Na-i-stress ako sa lukaret na Trixie

