Charlotte’s Collections Grand Opening… Napakaraming tao sa event na iyon. Hindi niya akalain na dadagsain ng mga tao ang boutique ni Charlie. Masaya naman siya sa kinalabasan nang paghihirap ng binata. Maya-maya ay nakita niyang tila natataranta si Charlie at tila may pino-problema ito. Nilapitan niya ito at tinanong. “Anong nangyayare mi amore? Problem?” concern niyang tanong rito. “Naku Trixie, ‘wag ngayon ha, at namomroblema ako sa isang modelo ko, wala pa siya hanggang ngayon! Kakalbuhin ko ang babaeng iyon, ngayon pa talaga nag-Primadona ang loka!” Hindi nito alam kung dadamputin ba nito ang isang gown, o kukunin ang blower, o tatawagan ang modelo nito. “Huy, Charlie, breathe…” hinawakan pa niya ito sa braso, and luckily sinusod naman siya nito. “Okay now, tell me, anong problema? Ku

