Ilang lingo rin ang pinalagpas ni Trixie bago siya muling nagpakita kay Charlie. This time hindi niya talaga tatantanan ang binata. Nakaisip na siya nang paraan kung paano ito mapapalapit muli sa kaniya. Kagaya noong mga bata pa sila, susundan niya ang binata kahit saang lupalop pa ito magpunta. “Hi,” bati niya kay Charlie nang makita niya itong papalabas ng bahay ng mga ito. Nakasuot siya ng leggings na itim, at sandong puti na hapit na hapit sa kaniya, dahil katatapos lang niyang mag-jogging. At siyempre para akitin ang kaniyang bhe-bhe mi amore. Sinadya rin niyang doon huminto sa tapat ng bahay ng mga ito nang makitang papalapit sa gate si Charlie. “Hello, mukhang galing kang jogging ah,” bati naman nito sa kaniya habang nag-iiwas ng tingin ang binata. Nakasuot ito ng puting t-shi

