Chapter 22

1861 Words

“Magandang umaga people of the Universe!” masiglang bati niya sa kaniyang pamilya pagpasok niya sa kusina. Kumpleto silang lahat at pati si Bryan ay nandoon din. Nginitian lang niya ito bago naupo sa tabi ng kaniyang kuya Tyrone. “Magandang umaga aming prinsesa!” bati naman ng kaniyang ama. Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang tawag sa kaniya ng kaniyang ama, na lubos niyang ikinatutuwa. Ramdam na ramdam kasi niya ang pagmamahal nito sa kaniya. Kahit pa bihira silang mag-bonding this past few years. “Kumain ka na rin diyan Trixie. Alam kong na-miss mo ang mga iyan kaya iyan ang mga inihanda ko,” sabi ng mama niya habang iniaabot sa kaniya ang sinangag. Gaya nga nang sabi ng kaniyang ina, lahat ng nasa hapag-kainan ay mga na-miss niyang kainin. May tuyo, itlog na maalat, nilagang talb

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD