chapter 5

2966 Words

Nangyari din ang kinatatakutan. Sa dahiláng ang bukid ay malayò sa pook ng̃ mg̃a bahay, kahì’t na may palakól si kabisang Tales ay nabihag ng̃ mg̃a tulisán, na may mg̃a rebolber at baríl. Sinabi sa kaniyá ng̃ mg̃a tulisán na yamang mayroon siyáng náibabayad sa mg̃a hukóm at tagatanggol-usap ay dapat din namán siyáng magkaroon ng̃ máibibigay sa mg̃a náwawakawak sa kabuhayan at mg̃a pinag-uusig. Dahil doon ay hining̃án siyá ng̃ limáng daang pisong tubós sa pamag-itan ng̃ isáng tagabukid at pinatibayan pang pag may nangyari sa utusán ay itítimbáng ang búhay ng̃ dakíp. Dalawáng araw ang ibinigáy na taning.   Ikinasindák na lubhâ ng̃ mag-anak ang balità at lalò pa mandíng naragdagán ang gayón, ng̃ mabatíd na lálabás ang Guardia sibil upang usigin ang mg̃a tulisán. Kung magkátagpô a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD