JAYSON’S POV Hindi ko inaasahan na may balak na masama sa akin ang taong nagtanong lang sa akin. Alam ko na natakot ang asawa ko pero kahit ganun ay cute pa rin siya. Hindi ko alam kung sino ba ang taong may galit o may balak sa amin ng masama. Nandito ako sa hospital. Dinalaw rin ako ng parents ko pero pinauwi ko rin sila dahil hindi naman malala ang tama ko. Ayoko kasi na masyadong nag-aalala sa akin si mommy. Hangga't maaari ay ayaw ko siyang bigyan ng alalahanin. “Jayson, hindi na talaga ako natutuwa sa asawa mo.” nakasimangot na sabi ni Ana sa akin dahil dinalaw niya ako. “Pasensya kana buntis siya kaya ganyan siya.” Saad ko naman sa kaibigan ko. “I understand, but actually…” “Actually what?” “Pumunta ako dito to say sorry. Sorry, dahil hindi ko alam na nakakapanakit na pala

