PATAKBONG NILAPITAN ni Dorothea ang Tiya Florenda nitong napaupo na sa lupa habang pabagsak na binabato ang mga gamit nito sa kanya ni Donya Suarez. Despite of her goddess beauty it prevails the anger and evilness on her face. Kitang kita ang walang awa nitong mga tingin. “Anong nangyayari?” lito at may takot na tanong ni Dorothea sa mga iilang kasambahay ngunit wala ni isang nagsalita na tila maski sila ay nagtataka rin. “Tama na Donya Aurora! Huwag mong idamay ang Tiya ko!” pagmamakaawa nito. “Ilusyunada ka. Lumayas ka sa mansion ko. Lumayos kayong dalawa! Wala kayong utang na loob.” Padarag siyang nilapitan ng Donya at mabilis na hinigit ang buhok nito sa galit. “Inaakit mo ang anak ko? Wala kang pinagkaiba sa mga naging katulong ko rito. Tingin mo makukuha mo siya sa pang-aakit mo?

