CHAPTER 41 Isang gwapong lalaki ang nakita ko. Pamilyar ang mukha na parang nakita ko na. Muli kong pinagmasdan ang mukha nito saka ko naalala na ito si Danny. Ang kasintahan ng ate ni Lucas na nasa litratong nakita ko kanina. Ang hindi ko lang sigurado kung kaluluwa na lang ba itong nakikita ko ngayon o totoong buhay. “Danny! Ikaw si Kuya Danny hindi ba?” tanong ko. Hindi siya sumagot. Tumingin muna siya sa akin bago siya tumalikod. Sumuot ang katawan nito sa pintuang gawa sa kawayan. Tama ako sa ang aking hinala. Dali-dali akong lumabas sa lumang dampa at naabutan ko pa ang kaluluwa ni Danny kasama na ang noon ay isang babae. Parang bang gustyo nilang sundan ko sila. Kailangan kong sumunod at baka may gusto pa silang matuklasan ko. May malaman ako tungkol kay Lucas. Iba ang kaba na

