CHAPTER 83 Sa unang pagkakataon, sinikap kong ayusin at gawin ang tama. Inisip ko na lang na kung di ko makuha si Isabella sa gayuma, baka pwede kong daanin sa tamang paraan, sa panliligaw, sa pagkuha ng kanyang loob lalo pa’t may kakayanan naman akong makuha ang kanyang pagmamahal. All odds are in my favor. Malayo si Carlo na kanyang kasintahan. Mahirap lang sila at sa ngayon, nahihirapan ang kanyang mga magulang at ako, ako ang susi para sa kanilang ikaaangat. Wala aking pakialam kung gagamitin niya ako o ng kanyang pamilya. Kung pera ang maging dahilan para pakasalan ako. Ang mahalaga ay pakakasalan niya ako at bahala na ako kung paano ko siya tuturuang mahalin ako. Naniniwala akong natuturuan ang pusong magmahal. Nang pumasok ako sa elevator at napayuko sa pagkabigo. Bago pa man ma

