CHAPTER 98 “Tama lang ang ginawa mo, Ava. Mabuti nang tapusin mo ang sa inyo at tutukan mo ang ang sa inyo ni Lucas. Alam kong maling paglayuin kayong dalawa kahit sinasabi ng mga matatanda noon na may sumpa. Kailangan ninyong magtulungan. Magsanib-pwersa para nang matapos na ang lahat at hindi magtatagumpay pa si Jacko sa kanyang pagbabalik. Ngunit bago mangyayari ang lahat ng iyon, kailangan malinis na muna ang sa inyo ni Elijah nang maayos mong maharap ang sa inyo ni Lucas.” Hirap na itinaas ni Tito ang kanyang ulo at pilit niyang inayos ang kanyang unan. “Tito, magsabi ka nga kung may kailangan ka. Ako nang mag-ayos niyang unan mo.” “Alam mo naman ako, anak. Kung kaya ko, gagawin ko nang hindi humihingi ng tulong pero sige nga anak. Pakiayos ang unan ko kasi masyadong mataas ang pi

