Pagkatapos kong maligo at makapgbihis ay nagimbal ako nang makita ang oras. Alas-onse pasado na ng tanghali. “OMG!” naibulalas ko kaya napalingon naman sa akin si Marco. Rumehistro rin ang pagtataka sa mukha niya. “What’s wrong?” Tumingin din ako sa kaniya nang may pag-aalala habang nagmamadaling sinusuklay ang basa kong buhok. “Nakakahiya sa Mommy mo. Siguradong hinahanap na niya ako. Istorbo ka kasi talaga sa trabaho ko, Marco! Baka malaman ng ospital na nagpapabaya ako sa trabaho ko, siguradong tatanggalin nila ako!” nahihintakutang sambit ko. Hinanap ko ang sapatos ko kagabi. Pero nanlumo ako nang maalalang high heels pala iyon. Ibinili niya ako ng pagbibihisan ko pero wala namang shoes o slipper. Alangan namang mag-heels ulit ako pauwi? “Hey! Naitawag ko na kay Mommy na magka

