JEALOUS

1571 Words
CHARM Bukas na ang event ng school, kaya nagdesisyon kaming magkakaibigan na maghanap ng gown para sa acquaintance party bukas ng gabi. Nakasabay rin namin sila Traze para maghanap rin ng maisusuot kaya napagkasunduan na sabay-sabay na kaming lahat. Kanina ko pa napapansin ang pagdikit ni Traze sa akin, halos ayaw humiwalay. Nagdududa tuloy ako na baka sinusundan nila kami dahil parang wala naman silang balak maghanap ng maisusuot. "Hoy! Kayong apat, naghahanap ba talaga kayo ng maisusuot?" tanong ni Loisa sa kanila. "Oo naman, actually kami lang tatlo. Kasi si Traze, mayroon na 'yang maisusuot anak ng gobernador 'yan e. Imposible naman kung wala siyang suit o tuxedo," ani Jovan na nakatingin kay Traze. "Ahh, okay. Hindi na ba kayo mamimili? Uuwi na tayo, okay na itong napili namin," sabi ni Mariz. "Uuwi na tayo, masakit na ulo ko kakaikot," sagot ko. Nahihilo na rin ako, kung saan-saan kasi sila nagsusuot, gown lang naman ang pakay namin. Ako na walang hilig sa ganitong gawain ay mabilis lang mapagod at sumasakit na ang ulo. Palabas na kami ng mall nang makita ko si Conrad na nakasandal sa kaniyang sasakyan at matalim ang tingin sa aming dalawa ni Traze. Doon ko lang napansin na nakaakbay pala ito sa akin. Mabilis kong tinanggal ang kaniyang kamay at lumayo sa kaniya. Nakita ko kung paano magtiim ang bagang ni Conrad at halatang hindi nito nagustuhan ang pag-akbay ni Traze sa akin. "The next time I saw you, touching my girl. I will punch your face and kick your ass!" madiin nitong sabi kay Traze. Nagtitigan silang dalawa at ramdam namin ang tensyon, mukhang mag-aaway pa yata sila rito. "Dude! As I remember, nanliligaw ka pa lang kay Charm. So, she is not yours kaya 'wag kang masiyadong mahigpit sa kaniya. Nakakasakal 'yan," sabi ni Traze. "You don't care! She is mine so back off!" Nagtilian sila Loisa at Mariz nang itulak ni Conrad si Traze. "Conrad, tama na. H'wag naman kayong mag-away nasa public place tayo," awat ko kay Conrad. Tinapunan niya lang ako ng tingin at binalik na kay Traze ang atensyon niya. "I warned you, nililigawan ko si Charm meaning she's mine. Kaya 'wag kang epal, go and seek another girl you want to play with. Not mine!" sabi nito kay Traze. "Pakiulit? Anong sinabi mo? You think plano kong paglaruan si Charm? I am not playing dude. Honestly... I want to court her, nanliligaw ka pa rin naman 'di ba? So, may the best man win!" "You son of a b*tch!" Sinuntok ni Conrad si Traze at napasubsob ito sa kaniyang kotse. "Conrad ano ba?! Tama na 'yan!" sigaw ko kay Conrad. Galit siyang tumingin sa akin at hinila ako. "You go with me!" sabi niya at dinala ako sa kaniyang sasakyan. Padabog niya itong binuksan at pinasakay ako. Nagulat rin ako dahil pabagsak niya itong sinara at mabilis siyang sumakay. Mabilis ang naging takbo ng kotse, wala akong imik pero kinakabahan ako at baka mabangga kami. "C-Conrad, masiyadong mabilis ang takbo ng sasakyan. B-baka mabangga tayo," mahinahon kong sabi sa kaniya. Hindi niya siya nagsalita, mayamaya ay nasa bahay na niya kami. Anong ginagawa namin rito? "Baba!" galit niyang utos. Hindi man lang ako pinagbuksan, bumaba na lang ako at hindi na nagsalita. "Go inside my house!" utos niya ulit. Ngayon ko lang siya nakita na ganiyan kagalit, salubong ang mga kilay at naninigas ang panga. Pumasok ako sa bahay niya at umupo sa couch. Napabuga ako ng hangin dahil sa kaba na nararamdaman ko. Natatakot ako sa kaniya, galit na galit ang mukha niya. Umurong ang tapang ko, pati pagsasalita ko ay apektado, kabado at takot. "I called you so f*cking many times, Charm! But you didn't answer! Iyon pala ay masaya kang kasama ang lalaking iyon!" bungad niya sa akin. "Hindi siya ang kasama ko! Sila Loisa at Mariz lang, nagkita lang kami sa mall at sumabay na sila sa amin." Hindi ko napigilang taasan ang boses ko, pagbintangan ba naman ako! Panira rin ang lalaking iyon, e! Buw****! "Nililigawan ka ba niya?" deritso niyang tanong. "Hindi. At wala akong balak magpaligaw sa kaniya!" suplada kong sagot. "Then why did he tell me that he's planning to court you?" "Ewan ko. Gano'n ba ang tingin mo sa akin ha? Magpapaligaw sa iba kahit may nanliligaw na? Kilala mo 'ko Conrad, hindi ako gano'ng klase ng babae!" galit kong sabi sa kaniya. "Tinataasan mo ba ako ng boses?" "Ikaw nga diyan kanina pa sumisigaw, nagreklamo ba ako?" "And what do you want me to do? Palakpakan kayong dalawa? Magiging masaya ako na may ibang lalaking nakaakbay sa'yo?" "Akbay lang 'yon, Conrad..." "Lang? Nag-iisip ka ba? Charm, lalaki siya at babae ka. Ako ang nanliligaw sa iyo, ano sa tingin mo ang maging reaksyon ko na nakaakbay siya sa'yo?" "What's the big deal, Conrad?" "I am f*cking jealous! Nagseselos ako, naiinis ako at galit ako dahil may ibang lalaki na umaakbay sa pagmamay-ari ko! Ikaw na ang may sabi sa akin, kahit hindi pa man tayo ay akin ka lang. Tapos, makikita kitang may kasamang ibang lalaki." Ang tindi magselos, akbay lang naman 'yon. Napaka-sensitive, pag-iisipan pa tayo ng masama. "Magseselos ka rin lang ang dami mo pang drama sa buhay! E, 'di sana sinabi mo kaagad kanina na nagseselos ka ng sa gano'n ay hinalikan kita sa harapan nila!" taas boses kong sabi sa kaniya. "Bakit, bawal magselos? Ikaw nga kulang na lang magpaputok ng baril no'ng kausap ko ang pinsan mo dahil sa selos. Gano'n rin ako, naiinis rin ako at nagagalit dahil sa selos. Kung maari lang na bantayan kita 24/7 para walang makalapit sa iyo na ibang lalaki, ay gagawin ko. Masiguro ko lang na hindi ka nila maaagaw sa akin, kung sa iyo ay wala lang iyong akbay na 'yon, sa akin mayro'n." Hindi ako nakaimik, ramdam ko na nasasaktan siya. Hindi ko naman gusto iyon, feeling ko tuloy nagtaksil ako sa lagay na ito. "I'm sorry. Hindi ko naman iyon gusto, hindi ko nga namalayan na naka-akbay na siya sa akin e. I'm sorry, it's my fault," nakayuko kong sabi. "Let's forget about it. But, sana maging lesson na'to. Charm, hindi ko kakayaning mapunta sa iba ang pagtingin mo sa akin. Selfish na kung selfish, pero gusto ko akin ka lang." Hinawakan ko siya sa kamay niya. "Sa iyo lang naman talaga ako, Conrad. Kaya sana, magtiwala ka sa akin. Wala rin akong balak na tumingin pa sa iba, dahil kuntento na ako sa iyo. Kaya 'wag ka ng magselos, natatakot ako," sabi ko sa kaniya. "I'm sorry, it won't happen again," sabi niya at hinalikan ako sa noo. "Ano nga pala ang ginagawa mo do'n kanina?" tanong ko sa kaniya. "Nakita ko kayo, nasa mall ako kanina para mamili. Then nakita ko kayo na palabas na kaya sa labas na ako nag-abang." "Anong binili mo?" "Groceries, naroon pa sa kotse. Wait me here, kukunin ko lang." "Tulungan na kita," alok ko at sumunod sa kaniya. "What do you want for dinner?" tanong niya. "Ikaw, kahit ano kakain naman ako," sagot ko. "Kahit ano?" tanong niya. "Oo," sagot ko. "Kahit ako?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang naging tanong. Doon ko lang nakuha ang ibig niyang sabihin. Binato ko siya ng mansanas na hawak ko pero nasalo niya iyon. "I'm just kidding," natatawa niyang sabi. "Ako na lang magluluto. Anong gusto mo? Adobong karne ng baboy o adobong tao?" tanong ko sa kaniya. Hawak ko ang kutsilyo na gagamitin ko para sa paghiwa ng mga rekados. "Ikaw ang bahala, kakain naman ako kahit ano. Kahit ikaw pa ay kakainin ko," pilyo niyang sabi. Naningkit ang mata ko at binato sa kaniya ang sibuyas na hawak ko. Kutsilyo sana iyon, kaya lang baka mapatay ko siya. Makriminal pa ako, makulong at mawalan ng selosong manliligaw. Binilisan ko na lang ang pagluluto ko para makakain kami dahil anong oras na. Hindi nagtagal ay naluto na rin ang ulam at kanin. Tinulungan niya akong ihanda ang mesa at gumawa rin siya ng orange juice. Nasa harapan na kami ng pagkain at nilagyan ko ang kaniyang plato. Tinikman niya ang niluto kong ulam at medyo matagal siyang hindi nagsalita. Kinabahan tuloy ako, hindi ko kasi ito tinikman, ako kasi kapag nagluluto ay hindi ko nilalasahan. "Perfect, puwede na," usal niya at nagsimula ng kumain. "O-okay lang ang lasa? Hindi ba maalat? Hindi ko kasi tinitikman 'yan," sabi ko sa kaniya. "Hundred percent, delicious. Puwede na tayong magpakasal para lagi mo akong lutuan ng masasarap na ulam," nakangiti niyang sabi. "Bawing-bawi ka na," dugtong niya. "Bawi, saan?" "Sa pagseselos ko. Thank you, natikman ko na rin ang luto ng future asawa ko." "Salamat at nagustuhan mo," masaya kong sabi. Kumain na rin ako at nilasahan ang niluto ko. Sakto naman pala sa timpla. "Sana, ikaw naman ang matikman ko," bulong niya. "Kunwari hindi ko narinig, Mr. Jimenez," taas kilay kong sabi. Tumawa lang siya at nagpatuloy na sa kaniyang pagkain. Hindi na niya ako pinauwi sa dorm, ihahatid na lang daw niya ako bukas ng umaga. Kaya ngayon, magkatabi na naman kami sa kama niya na matutulog. May tiwala naman ako sa kaniya kaya hindi na ako kinabahan na makatabi siya. Mahimbing siyang natutulog ngayon sa tabi ko na nakayakap sa akin. Napapangiti ako nang maalala ko ang itsura niya kanina dahil sa selos. Kakaiba magselos ang isang Conrad Jimenez, nakakatakot. Niyakap ko siya at natulog na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD