CHAPTER 8

1653 Words
HABANG nakahiga ay mukha ni Jerimie ang naglalaro sa isipan ni Cheska. Ang guwapong mukha nito na palaging nakangiti o kaya naman ay nakatawa. Oo, may pagkapilosopo ito pero hindi maitatangging may magaganda rin itong katangian na puwedeng mahalin ng kahit sino. Aakalain ba niyang ang pinabalot nitong tirang pagkain ay ibibigay nito sa batang nagtitinda ng sigarilyo sa kalye? Unti-unti ay nakukumbinsi niya ang sarili na hindi siya nagkamali sa pagpili kay Jerimie para magpanggap na boyfriend niya. MAGANDA ang mood niya sa trabaho kinabukasan. Ang nagdaang gabi ay nagdulot sa kanya ng isang libo at isang kaligayahan at inspirasyon. Magaan ang pakiramdam niya nang gumising siya kanina at hanggang dito sa opisina ay excited siyang gawin ang mga kailangan niyang tapusin. Ganado siyang kumilos. Maaliwalas ang kanyang mukha. Para siyang halaman na bagong dilig. "Blooming ka yata ngayon." Hindi niya namalayan ang paglapit ni Pura. "Kanina pa kita nakikitang nakangiti. Basta, parang ang saya-saya mo." "Ikaw pala. Excited lang ako sa next project natin. Gusto ko na ngang pumunta sa La Union," palusot niya rito. "Actually, 'yan ang dahilan kaya ako lumapit sa'yo." Hindi rin maitago ang saya sa mukha ni Pura. "Good news?" Tumango-tango ang babae na halata rin ang excitement. "Cheska, may makakasama ka na sa pagpunta mo sa La Union," bulalas ni Pura na lalo pang lumawak ang pagkakangiti. "Isa sa mga sponsor natin ang magpapadala ng empleyado nila para personal na mag-asikaso sa pagbibigay ng school supplies sa mga bata. Nag-donate ang kompanya nila ng ilang kahon ng mga notebooks, pencils, ballpens at pad papers. So, wala na tayong magiging problema. Nakausap ko na rin 'yong leader ng mga volunteer natin sa La Union. Handa na silang magturo sa mga bata, pati na rin ang pag-i-initiate ng livelihood programs sa mga magulang doon." "Wow! Magandang balita nga 'yan. Naku, nararamdaman ko nang magiging successful ang project nating ito." "Sigurado 'yan. And with your supervision, kampante ako na magiging maayos ang lahat mula umpisa hanggang sa matapos ang dalawang linggo," matapat na pahayag ni Pura. "Anong pangalan ng makakasama ko?" "Wala pa silang ibinigay na pangalan. Tatawag na lang daw sila sa akin kapag na-finalize na. Magtatanong pa raw sila kung sino ang gustong sumama, but definitely may isang sasama sa'yo." NANG sumapit ang araw ng pagpunta ni Cheska sa La Union ay mas lalo pa siyang na-excite. "Para kang bulateng 'di mapakali," bati sa kanya ni Pura. "Anong oras ba darating iyong makakasama ko? Sigurado bang dadaanan niya ako rito? Kasi puwede naman akong mag-commute na lang para hindi na ako makaistorbo sa kanila." "Darating iyon. Sila na nga ang nagsabing doon ka na lang din sumabay sa sasakyan nila lalo na nang malaman na mag-isa ka lang na pupunta," paliwanag ni Pura. "Huwag mong kalimutan ang pasalubong namin, ha?" "Oo nga, Cheska. Iilan lang naman tayo rito sa opisina kaya huwag na huwag mo kaming kalilimutan," halos sabay-sabay na sabi ng mga iba pa niyang katrabaho. "Hayaan n'yo, hindi ako uuwi hanggang hindi ako nakakabili ng pasalubong para sa inyo." Hiyawan ang mga kaopisina niya. "Ano bang number noong makakasama ko? Pahingi naman ng cellphone number niya para matawagan ko siya?" Sumagot si Pura, "Ibinigay ko na sa kanya ang number mo. Magte-text na lang daw siya sa'yo kapag nasa labas na siya." "So, maghihintay lang talaga ang beauty ko sa pagdating niya." Noon tumunog ang cellphone niya. May nag-text. Hi, this is Alex. Nandito na ako sa labas. Punta ka na rito para makabiyahe na tayo. Thanks. "Ms. Pura, ano raw name ng makakasama ko?" "Si Alex. Iyon ang sinabi noong nakausap kong empleyado doon sa kompanyang nag-sponsor ng school supplies." "Eto na nga siya, nag-text na." Tumayo na siya at dinampot ang bag na naglalaman ng mga damit at iba pa niyang mga gamit. Kinawayan niya ang mga kaopisina. "Aalis na ako! See you all after two weeks!" "Ingat doon, Cheska!" Kumaway din sa kanya ang mga katrabaho. "Ingat kayo sa biyahe," paalala ni Pura. "Tawagan mo ako kaagad dito kung may problema." Nakangiti siyang tumango. "Bye, guys!" Bitbit ang isang travelling bag na lumabas siya ng opisina. Pinagsama-sama na niya rito lahat ng gamit niya. Sa isang bulsa ng suot niyang pantalon ay naroon ang coin purse niya na may ilang pirasong one thousand peso bills. Hawak niya sa kaliwang kamay ang cellphone niya para i-text si Alex. Saglit siyang nagpalinga-linga para hanapin kung nasaan na ang Alex na makakasama niya sa La Union pero wala siyang nakita. Sabagay, kahit naman makita niya ito ay hindi naman niya malalaman na ito na nga iyon dahil 'di naman sila magkakilala. Abala siya sa pagte-text nang may magsalita sa likuran niya. "Shall we go?" Agad niyang nilingon ang nagsalita at muntik na siyang mapatili nang makilala kung sino iyon. "Jerimie? Anong ginagawa mo rito?" "Bakit? Hindi ba ngayon ang alis natin papuntang La Union?" "Ha? Ikaw ba ang makakasama ko?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Bakit? Sino ba ang inaasahan mong kasama mo?" kaswal na kaswal na sabi nito. "Si Alex! Asan siya?" Biglang nanlaki ang mga mata niya. "Wait! Ikaw... Jerimie Alexander. Ikaw si Alex?" Oh my God! Nagbibiro ba ang tadhana? Isang malapad na ngiti ang isinagot ng lalaki. "Ayaw mo ba akong makasama? Two weeks din iyon. It can be a good bonding time for us. Tamang-tama, pagbalik natin ng Manila, puwede mo nang ibalita sa mga kaibigan mo na may boyfriend ka na. Hindi ka na mahihirapang mag-isip ng idadahilan kung saan tayo nagkakilala... Kelan pa tayo naging magkakilala, etcetera." "Pinlano mo ba ito?" Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi, ah! Ba't ko naman paplanuhin ito?" natatawa niyang sabi. "Seriously, gusto lang kitang tulungan para hindi ka na mahirapang mag-isip ng kuwentong sasabihin sa mga kaibigan mo. Supportive boyfriend, you know." Umasta pa itong tila nagpapapogi. "Eh, 'di pinlano mo nga. Sinadya mong maging magkasama tayong dalawa sa activity namin sa La Union---" "Which will work to your advantage. Kaya bakit ka pa nagtatatalak diyan? Wala namang masama sa ginawa ko. In fact, mas mabuti nga na magkasama tayo roon para mas makilala nating mabuti ang isa't-isa. Kailangan natin iyon para sa gagawin kong pagpapanggap bilang boyfriend mo," paliwanag nito na agad namang sinang-ayunan ng kanyang isip. "Isa pa, noong nalaman kong mag-isa ka lang na pupunta roon, ayaw pumayag ng puso ko." "Huh?!" Anong kaeklatan ito? "Ayaw ng puso ko na mag-isa ka lang, baka may mangyaring hindi maganda sa'yo roon, mapupurnada pa ang fifty thousand pesos ko. Sino pa ang magbabayad ng talent fee ko, kung hindi na matutuloy ang plano?" Biglang nanlumo si Cheska. Pera lang talaga ang matibay na rason kung bakit ginagawa ng lalaking ito ang lahat ng iyon. Mukhang pera talaga ang bruho! Bakit ano pa ba ang inaasahan niya? Na magpapanggap itong boyfriend niya kasi gusto siya? "Kidding aside, ipinadala lang ako ng kompanya namin." Hindi siya sumagot. "Ano? Tititigan mo na lang ba ako? Hindi na ba tayo bibiyahe papuntang La Union?" "Kapal mo! Hindi kita tinititigan, noh?!" "Eh, ano pala ang ginagawa mo? Mine-memorize mo lang ang bawat feature ng mukha ko?" Nakakaloko ang ngiti ni Jerimie pero bakit ba tingin niya ay mas lalo pa itong gumuwapo? "Wala ka nang makikitang kasingguwapo nito." Huh? Nababasa ba niya ang nasa isip ko? "Ang lakas ng hangin, ah. May paparating bang bagyo?" "Bagyo sa kapogian, meron." "Umalis na nga tayo, at baka maabutan pa tayo ng delubyo sa daan." Napahalakhak si Jerimie. "Anong nakakatawa?" "Ikaw. Ang cute mong mainis." At muling humalakhak ang guwapong binata. "Eeew!" Tila nandidiri niyang sabi. Sumimangot pa siya para i-emphasize ang pagkadisgusto sa sinabi ng kausap. "Grabe kang maka-eeew, ha? Ang pogi ko kaya, mabango pa." "Ano naman sa akin kung pogi ka at mabango?" "Wala naman," nakangisi niyang sabi. "Basta ang alam ko, two weeks tayo sa La Union. Kaya kung nandidiri ka sa akin, dalawang linggo mo akong pagtitiyagaan doon." "Halika na, umalis na tayo. Malayo pa ang biyahe natin." Iniwan na niya ang lalaki at naglakad pero naisip niyang hindi niya alam kung nasaan ang sasakyan. Huminto siya sa paglalakad at nilingon si Jerimie na nasa likuran niya at nakasunod sa kanya. "Saan tayo sasakay?" "Ano ba ang gusto mo, eroplano?" Bago pa siya makapag-react ay muling nagsalita ang lalaki. "Ayun, o! Iyong gray na kotse." Itinuro pa ni Jerimie ang sasakyan. Nakita ni Cheska ang nakaparadang gray Ford Transit. Binilisan niya ang paglalakad para makarating agad sa sasakyan. Hinintay niyang makalapit si Jerimie at agad niya itong sinalubong ng tanong. "Dito ba talaga tayo sasakay?" "Oo, bakit? May problema ba?" tanong nito. "Nasa loob na ang mga donasyong school supplies na ipamimigay natin sa mga bata." "Company driver ka ba sa opisina n'yo?" "Ngayong alam mo na, hindi na ba ako ang magpapanggap na boyfriend mo? Baka pagtawanan ka ng mga kaibigan mo kapag nalaman nilang driver lang ang boyfriend mo." "Driver ka talaga?" Hindi pa rin siya makapaniwala. "Paulit-ulit? Unli?" "Hindi ako naniniwala. Hindi ba graduate ka ng Business Administration? Bakit ka nag-apply na driver?" "Eh, 'yon ang vacant position noong nag-apply ako, eh. May magagawa ba ako?" "Ba't hindi ka naghanap sa iba? Nag-aral ka ng apat na taon sa college para maging company driver? Bakit hindi ka na lang nag-aral ng smart driving sa mga driving school o kaya naman sa Tesda. Four year course talaga? Dapat ang kinuha mong course Bachelor of Science in Driving," ang haba ng litanya niya. "At saka noong una tayong nagkita, may kotse kang dala. Magkano ba ang sweldo ng company driver ngayon at mag-a-apply na rin ako?" Binuksan ni Jerimie ang pinto ng sasakyan. "Pumasok ka na nga, andami mong tanong. Hindi ba tapos na ang interview ko?" Hindi siya sumagot. Walang imik siyang pumasok sa sasakyan. Napasubo yata siya. Anong sasabihin ng mga kaibigan niya kapag nalaman ang trabaho ng boyfriend niya? Pero imposible. Imposibleng maging company driver ang abnormal na Jerimie na 'to!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD