Chapter 36

1054 Words

NAPATDA si Jerimie. Pero hindi siya nagpasindak kay Maddy. "Alam mo ang ibig kong sabihin. Huwag mong pinalalabas na nagkulang ako kay Zinnia," sumbat niya rito. Natawa ang babae. "I'm sure, alam mo rin ang ibig kong sabihin," diin nito. "Tigilan mo ang pagkukunwaring ama ni Zinnia dahil alam mong hindi mo siya anak!" Sinalampak ni Maddy sa mukha niya ang katotohanan. "Akala mo ba'y mapagtatakpan ng pagiging ama-amahan mo sa anak ko ang katotohanang nang dahil sa'yo ay namatay ang totoong ama niya? Iniisip mo bang sa bawat kabutihang ginagawa mo sa ibang tao ay mababayaran ang pagkukulang mo kay Jerome? Sa kakambal mo!" mapait na sumbat ni Maddy. "Alam mong wala akong kasalanan," giit niya. "Maganda ang samahan namin ni Jerome. Wala akong pagkukulang sa kanya. Bakit hindi mo tanungin an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD